Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 556 - Labintatlong taon kitang minahal (27)

Chapter 556 - Labintatlong taon kitang minahal (27)

Padilim na ng padilim ang kapaligiran, at ang mga bituin sa kalangitan ay lalo pang dumami. Mas naging matingkad pa ang liwanag mula sa mga ilaw ng forbidden city, pati ang mga kandila ay lalo pang tumaas ang apoy.

Tunay ngang parang walang katapusan ang oras kapag ang isang tao ay naghihintay. Sa mga oras na ito, sobrang kinakabahan na si Lu Jinnian. Habang tumatagal, ang saya na naramdaman niya kanina ay napalitan ng matinding pagaalala.

Nanatili siyang nakaupo sa hinanda niyang napaka romantic na lugar para kay Qiao Anhao. Bakas sa kanyang itsura ang matinding pagaalala.

Maging ang assistant na nakatayo sa isang gilid ay hindi na rin mapakali. Maya't maya siyang tumitingin sakanyang relo. Pagsapit ng dalawampung minuto matapos ang alas otso, hindi na nito kinayang manahimik at nagsalita na ito, "Mr. Lu, gusto mo bang tawagan natin si Miss Qiao? Siguradong may nangyari kaya siya natagalan."

Tumungo si Lu Jinnian ay kinuha ang kanyang phone para matawagan si Qiao Anhao. 

Paulit ulit niyang narinig ang doot-doot-doot hanggang sa magsalita ang automated customer service, "I'm sorry, the person you are trying to reach is currently unavailable."

 "Bakit?" Hindi sinagot ni Miss Qiao?" nakita ng assistant na nawawalan na ng pagasa ang mga mata ni Lu Jinnian kaya muli siyang nagpatuloy, "Siguro hindi lang narinig ni Miss Qiao."

Napakagat si Lu Jinnian ng kanyang labi at muli niyang sinubukang tawagan si Qiao Anhao. Hindi na niya na mabilang kung ilang beses niya na itong paulit ulit na tinawagan pero sa tuwing mapuputol ang linya, tanging ang boses lang ng automated customer service ang naririnig niya.

Sa paglipas ng bawat minuto, lalo pang bumibigat ang tensyon sa paligid.

Sa ilalim ng makukulay na ilaw, napansin nmg assistant na wala ng emosyon ang itsura ni Lu Jinnian. Hindi naman ito mukhang kinakabahan pero paulit ulit nitong sinusubukang tawagan si Qiao Anhao. 

Pagsapit ng alas nuebe, nabasag ang katahimikan nang may kumatok sa pintuan ng Lijing Pavilion.

Sa pagkakataong ito, nakahinga ng maluwag ang assistant. Masaya niyang sinabi kay Lu Jinnian, "Nandito na si Miss Qiao", na sinundan ng "Pasok" para naman sa kumakatok

Pagkabukas ng puntuan, nagmamadaling tumayo si Lu Jinnian at naghihintay sa pintuan. Pero wala siyang nakitang Qiao Anhao at tanging ang manager lang ng Lijing Pavilion ang taong nasa labas. Dahil doon, bigla siyang napahawak ng mahigpit sakanyang upuan.

"Mr. Lu, nine o'clock na. Excuse me sir, pero iseserve na ba naming ang mga pagkain? Magalang na tanong ng manager.

Yumuko si Lu Jinnian at ibinaling ang kanyang tingin sa direksyon ng forbidden city. Nakatitig lang siya sa mga makikinang nitong mga ilaw.

Natatakot ang assistant na baka magalit si Lu Jinnian sa naging pagtatanong ng manager patungkol sa dinner kaya agad niya itong kinawayan bilang sensyas na lumabas muna.

Naramdaman ng manager ang bigat ng tensyon kaya yumuko nalang ito at lahimik na umalis.

Pagkasarado ng manager ng pintuan, naramdaman ng assistant na lalo pang bumigat ang hangin. Hindi niya kayang tignan si Lu Jinnian na nakatayo sa harap ng malaking dining table sa gitna ng napaka romantic na lugar.

Habang nakatitig si Lu Jinnian sa mga ilaw sa paligid niya, hidi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya sa kasalukuyan. 

Simula noong mahalin niya si Qiao Anhao, wala siyang ibang ginawa kundi hintayin ang araw na maging karapat dapat siya para rito. 

Noong sa wakas nagkaroon na siya ng pagkakataon, nalaman niya naman na engaged na ito kay Xu Jiamu, kaya kinailangan niyang maghintay muli. Pero noong nalaman niyang naghiwalay na ang dalawa, nagkaroon siya ng pagasa na baka ito na ang pagkakataon na matagal niya ng hinihintay. 

Ilang taon na siyang naghihintay at sa totoo lang, hindi na nga siya nasasaktan sa tuwing ginagawa niya ito. 

Pero iba ang naramdaman niya ngayong gabi. Para sakanya, hinding hindi maikukumapara ang sakit na nararamdaman niya ngayon habang kumpara sa naramndaman niya noon.