Chapter 494 - Divorce (15)

Kinuha ni Qiao Anhao ang isang tissue upang punasan ang kanyang mga kamay bago pumunta sa kwarto habang ang kanyang telepono ay hawak niya. Nakaupo siya sa kama, nakatingin nang mabuti sa pag-uusap nila ni Lu Jinnian noon. Habang binabasa niya ang bawat salita, ang kanyang puso ay nagsimulang kumirot, lumuha ang kanyang mga mata.

Siya ay tinrato ni Lu Jinnian na parang walang pakialam noon, ngunit hindi siya sobrang lungkot dati kumpara ngayon. Hindi ba't nakaligtaan niya lang ang isang hapunan? Kinakailangan bang sumama ang loob?

Sa lalong pag-iisip niya tungkol dito, mas tumitindi ang pagbagsak ng luha

-

Nang Makita ang hotel, ito ay alas-2 na ng umaga. Pagkatapos maligo, humiga sa kama si Lu Jinnian, sumasagi sa kanyang isip ang imahe ni Qiao Anhao. Hindi niya makayanang kunin ang telepono at tingnan ang mga mensahe at tawag na hindi sinagot mula kay Qiao Anhao, bumababa ang lagay ng kalooban.

Inihagis niya ang kanyang telepono sa gilid at isinara ang kanyang mga mata, ngunit kahit anong subok niya, hindi siya makatulog. Nang paikot-ikutin ang sarili sa malaking kama, dumating din sa punto na kinuha niya ang kanyang telepono para tingnan ang dalawang hindi nasagot na mga mensahe. Siya ay nalungkot, at kinuha ang kanyang sigarilyo at sinindihan ito.

-

Ang telepono ng assistant ni Lu Jinnian ay nawalan na ng baterya noong isang gabi pa at nang makarating ito sa hotel ay nakatulog na ito agad. Nang sumunod na araw, ito'y ginising ng kawani ng hotel at nagsimulang maglinis habang binubuksan ang telepono. Iilang abiso ang pumasok at nang pinindot niya ito, Nakita niya ang tawag mula kay Qiao Anhao.

Mabilis niyang binalik ang tawag nito. Pagkalipas ng ilang Segundo, sumagot ang isang pamilyar na boses. "Hello?"

Idinura niya muna ang laman ng kanyang bibig. "Ms. Qiao, bigyan mo ako ng ilang segundo"

Dali-dali nagmumog at pinunasan ang mga labi, at magalang na nakipag-usap. "Ms.Qiao, napatawag kayo kahapon?"

Hating gabi na natulog si Qiao Anhao at nagising nalang kinaumagahan dahil sa isang tawag. Ang kakulangan ng tulog ang naging sanhi ng pagkasakit ng kanyang ulo, at hindi niya agad nakita kung sino ang tumatawag. Nang marinig niya ang boses ng assistant ni Lu Jinnian, bigla itong nagising. Tumayo ito at inayos ang kanyang buhok.

Nang maglaon, dumating ang magalang na pagtanong ng lalaki, "Ms. Qiao, tumawag ka kagabi?"

"Tinawagan ko si Lu Jinnian ngunit hindi niya sinagot ang telepono"

"Maaaring siya ay nasa eroplano noong tumawag ka"

"eroplano?", kanyang tanong.

"Oo, lumipad kami patungong Hong Kong kagabi para sa isang deal sa negosyo." Ang assistant ay napatigil bago magtanong, "Ms. Qiao, hindi mo alam?"

"Hindi niya binanggit iyan"

Nang maramdaman ng assistant ang pagkabigo sa kanyang tinig, dali niyang ipinaliwanag, "Maaaring wala na siyang panahon upang banggitin ito dahil hating gabi na siya natapos at pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na kami sa paliparan. Siya ay nakapagpahinga na bandang alas-3 ng umaga, kaya maaaring siya ay sobrang pagod. "

Siya ay huminto sandal bago magtanong, "Ms. Qiao, hinahanap mo ba si Mr. Lu ngayon? Maaari akong pumunta sa kanyang silid, ngunit hindi ako sigurado kung siya ay gising na."

Matapos marinig ni Qiao Anhao ang tungkol sa iskedyul noong nakaraang gabi at nakatulog na siya alas-3 na ng umaga, kumirot ang kanyang puso. Nagmadali niyang sinabi, "Okay lang, hayaan mo siyang magpahinga."

Related Books

Popular novel hashtag