"Sige." Pagkatapos tumugon ang assistant, idinagdag niya, "Ms. Qiao, kapag nagising na si Mr. Lu, sasabihan ko siyang tawagan ka."
"Salamat."
Nang matapos ayusin ang sarili, pumunta na ang assistant sa silid ni Lu Jinnian.
Noong isang gabi, nakuha niya ang ekstrang susi ng kuwarto ni Lu Jinnian. Pagkatapos kumatok, naghintay ng ilang sandali at nang makatiyak siya na walang mga paggalaw sa silid, ini-swayp niya ang card at pumasok.
Ang sala ay walang laman. Nang buksan niya ang pinto sa silid, ang malakas na amoy ng sigarilyo ang bumungad na nagdulot sa kanya ng pagbahing ng dalawang beses.
Ang kama ay magulo, ngunit si Lu Jinnian ay wala na rito sa loob. Ang mga pintuan ng banyo ay nakasara at ang tunog ng dumadaloy na tubig lang ang maririnig. Ang assistant ay pinisil ang kanyang ilong habang naglalakad papunta sa mesa ng kape, na puno ng upos ng sigarilyo. Binuksan niya ang lahat ng bintana ng silid upang makapasok ang hangin. Bago pa man huminga ng malalim, narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo.
Noong magsimulang magtrabaho ang assistant bilang tagapangasiwa ni Lu Jinnian, Pinapagalitan niya ito tungkol sa kanyang mga kinakain at pamumuhay, at kahit hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagbago.
"Mr Lu, bakit napakarami mong pinanigarilyo kahapon? Ilang beses kong sinabi sa iyo na ang paninigarilyo ay masama para sa kalusugan. Kahit na hindi mo kayang tumigil, paano mo nagawang manigarilyo ng sobra?"
Si Lu Jinnian ay nanatiling walang pakialam sa kanyang nagagalit na assistant. Sa kanyang basang-basa at tumutulong buhok, kinuha niya ang kanyang mga damit, isinuot niya ang mga ito at sinimulang ibutones.
Ang katulong ay nagpatuloy sa pag-aalala, ngunit nang maglaon, natandaan niya ang tawag sa telepono kay Qiao Anhao, nang tumigil ay sinabi niya, "Mr Lu, kung mayroon kang oras, dapat mong bigyan si Miss Qiao ng isang tawag."
huminto si Lu Jinnian, hindi nagsasalita.
Ang kanyang assistant ay nagsimulang ipaliwanag ang mga detalye, "Sinubukan kang tawagan ni Ms. Qiao kahapon, ngunit hindi ka niya matawagan. Sa halip, ako ang hinanap niya. Tinawagan ko siya kaning umaga nang makita ko ang kanyang di nasagot na tawag sa aking telepono."
Sinagot ni Lu Jinnian ang kanyang mga sinabi sa maikling "Oo" habang isinusuot ang suit dyaket. Kinuha ang mga dokumento sa gilid at umalis ng silid.
Ang kanyang assistant ay nagmadaling sundan siya.
-
Ang pakiramdam ni Qiao Anhao ay gumaan dahil sa natanggap na tawag. Humiga siya sa kanyang kama at masayang babalik sa pagtulog.
Nang muli siyang magising, tanghali na. noong isang gabi, naiwan niyang bukas ang telebisyon. Nang sumilip siya, Nakita niya si Lu Jinnian, nakabihis ng pormal na damit sa may iskrin.
Bumaliktad si Qiao Anhao at tumitig ng walang humpay sa may iskrin.
Si Lu Jinnian ay matangkad at may nakakabighaning itsura. Kahit na ang brodkast ay tungkol sa isang bagong kooperasyon sa negosyo, ang kamera ay nakatuon lamang kay Lu Jinnian. Hindi ito inalis sa kanyang mukha, ito ay alinman naka-zoom sa kanyang mukha o naka-zoom out para sa isang malawak na anggulo.
Si Lu Jinnian ay nakaupo sa unang hilera, isang laptop sa harap niya. habang ang iba't ibang mga nagtatalumpati ay pumunta sa entablado, paminsan-minsan niyang tatapikin ang kanyang keypad bago tingnan ang kanyang telepono. Sa maraming pagkakataon, binuksan niya rin ang kanyang telepono.
Tinitigan ni Qiao Anhao ang mga aksiyon ni Lu Jinnian, isang maliit na ngiti na lumalaganap sa kanyang mukha, at isang ngisi ang nakatakas sa kanyang mga labi.
Si Lu Jinnian ay talagang wala sa sarili
Ang memorya ng nakaraan, ng isang pisikal na aralin sa edukasyon ay lumulutang sa kanyang isipan. Sa oras na iyon, dinatnan siya, kaya umalis siya sa silid-aralan ng mas maaga.