Naririnig niya ang pagbilis ng kanyang hininga at naramdaman niya na parang
unti-unting nagiinit ang kanyang buong katawan.
Hindi nagtagal, naramdaman niya na kahit ang mismong hininga niya ay
nagiinit na rin.
Hindi siya sigurado kung nasaan sila, pero wala siyang ibang maramdaman
kundi ang paginit ng paligid…
Labis ang kanyang pananabik kay Qiao Anhao kaya mas naging agresibo ang
mga naging kilos niya. Walang tigil niyang hinaplos ang iba't-ibang parte ng
katawan nito pero hindi pa rin siya kuntento at parang may iba pa siyang
gustong gawin, samantalang si Qiao Anhao naman ay hindi nanlalaban at
hinahayaan lang nitong gawin niya ang mga gusto niyang gawin.
Panaginip lang ito…pabilis ng pabilis ang paghinga ni Lu Jinnian, pero bigla
nalang siyang huminto.
Hindi ko kaya…Wala na silang relasyon ngayon at gising na rin si Xu Jiamu.
Hindi niya kaya dahil alam niyang gising na ang taong mahal ni Qiao Anhao.
Naniniwala siya na ang dalawa ay para sa isa't-isa at ayaw niyang sirain ang
anumang meron ang mga ito…Kahit hanggang sakanyang panaginip, hindi
niya pa rin kaya…
Unti-unting bumagal ang kanyang paghinga at ikinuyom niya ang kanyang mga
kamay para pigilan ang pagnanasang nararamdaman niya. Sobrang
pinagpapawisan siya noong mga oras na iyon. Gusto niya sanang lumayo kay
Qiao Anhao pero bandang huli ay hinila niya rin ito papalapit sakanya at
niyakap ito.
-
Kinaumagahan, nagising si Qiao Anhao dahil sa paghuni ng mga ibon.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kaya ilang
sandali rin siyang nakatitig sa kisame ng kweba bago siya tuluyang
bumangon. Habang nakaupo sa banig, pinagmasdan niya ang kanyang
kapaligiran at napansin niya na wala na siyang kasama. Maging ang apoy ay
patay na rin at tanging mga abo nalang ang natira. Pero ang piaka pinagtataka
niya ay nakasuot na sakanya ang damit na hinubad niya kagabi.
Binihisan ba siya ni Lu Jinnian? Pero nasaan ito?
Habang tinatali ni Qiao Anhao ang gusot niyang damit, napansin niya na may
chikinini siya sakanyang collarbone at nang mapagtanto niya na talaga palang
may nagyari sakanila kagabi, bigla nalang siyang namula.
Hindi pala yun isang panaginip at totoo palang nangyari 'yun…Pero noong
nasa kalagitnaan na sila, bakit bigla nalang itong huminto…
"Kagigising mo lang?" Noong sandali ring iyon, bigla niyang narinig ang boses
ni Lu Jinnian mula sa labas ng kweba.
Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at napatingin siya kay Lu Jinnian. Hindi
nagtagal, naglakad ito papasok ng kweba habang dala ang mga prutas na
hindi niya nakain kagabi.
Nakatitig lang siya kay Lu Jinnian habang inilalapag nito ang mga prutas sa
harap niya. Kumuha siya ng isa na agad niyang kinagatan bago niya ito muling
tignan, "Kamusta na ang lagnat mo?"
Nilunok ni Lu Jinnian ang prutas na kasalukuyan niyang nginunguya bago siya
sumagot. "Wala na." Natigilan siya ng sandali bago siya muling magsalita,
"Salamat para sa kagabi."
Alam ni Qiao Anhao na ang ibig sabihin ng pasasalamat ni Lu Jinnian ay para
sa pagtanggal niya ng kanyang damit na ginamit niyang pangkumot dito. Bigla
siyang napayuko at kumagat ng malaki sa prutas na nasa kamay niya.
Ilang sadali ring nabalot ng katahimikan ag buong kweba bago niya muling
iangat ang kanyang ulo para magtanong, "Ano ng gagawin natin ngayon?"
Walang ibang nasa tumatakbo sa isip ni Lu Jinnian kundi ang nangyari
sakanila kagabi, pero nang mapagtanto niyang kinakausap siya ni Qiao
Anhao, dali-dali siyang sumagot, "Huh?"
Akala ni Qiao Anhao ay hindi siya naintindihan ni Lu Jinnia kaya klinaro niya
ang kanyang tanong, "Ibig kong sabihin, aalis na ba tayo ngayon? Baka hindi
tayo mahanap ng crew kung mananatili tayo rito."
Kinapa ni Qiao Ahao ang bulsa niya bago siya magsalita na halatang naiirita,
"Nakalimutan ko na nakacostume nga pala ako kaya wala akong dalang
phone…" Pero mismong oras din na iyon, may biglang pumasok sa isip niya
kaya agad niyang tinignan si Lu Jinnian. "Tama, mayroon ka bang…?"