Nagmamadaling tumayo si Lu Jinnian na para bang may kailangan itong
gawing napaka importante kaya nagulat si Qiao Anhao at bigla siyang
natigilan sa pagsasalita. Tinignan niya si Lu Jinnian at nagtatakang
nagtanong, "Bakit?"
Itinuro ni Lu Jinnian ang labas ng kweba at kalmadong sinabi, "Tawag ng
kalikasan."
Hindi niya na nahintay na makasagot si Qiao Anhao at nagmamadali siyang
tumakbo palabas ng kweba.
Hindi na siya nagisip kung saan siya liliko at humito siya matapos niyang
maglakad ng halos limampung metro.
Dahil nagmamadali siyang tumakbo palabas, hindi niya na naibaba ang prutas
na kinakain niya. Kinagat niya ito para hindi mahulog at diukot niya ang
kanyang phone mula sakanyang bulsa. Nagbakasakali siyang buksan ito at
laking gulat niya nang bigla itong magliwanag. Hindi lang iyon dahil mayroon
din siyang sigal! Napakaraming texts sunod sunod na pumasok kaya walang
tigil itong tumunog.
Sa loob loob niya, naiinis siya sakanyang phone. Anong klaseng phone ba 'to?
Nagbukas pa talaga kahit matagal na 'tong nalublob sa tubig?
Napabuntong hininga si Lu Jinnian habang iniisip niya ang babaeng iniwan
niya sa kweba na walang ibang inaalala kundi kung paano sila makakahanap
ng paraan para makahingi ng tulong. Biglang may pumasok sakanyang isip
pero medyo nagalangan pa siya noong una bago niya tuluyang ihagis ang
kanyang phone.
Noong lumabas siya kahapon para kumuha ng mga prutas, napansin niya na
maraming harang sa loob ng kagubatan. Ang ibig sabihin lang nito, mayroong
malapita baryo rito at malaki ang posibilidad na may pupunta rito ngayon para
maghanap ng makakain. Sa oras na mangaso ang mga ito, pwede silang
sumama pero bago pa yun mangyari, kakailanganin pa nilang maghintay ni
Qiao Anhao ng ilang oras kaya pwede niya pa itong makasama ng mas
matagal…
Pagkabalik ni Lu Jinnian sa kweba, umupo siya sa torso at humarap kay Qiao
Anhao na kasalukuyan pa ring inuubos ang prutas. Hindi nagtagal, kalmado
siyang nagsalita para magtanong, "Bago ako umalis, ano nga ulit yung gusto
mong sabihin sakin?"
"Dala mo ba ang phone mo?"
Hindi nagsinungaling si Lu Jinnian, "Oo dala ko."
Biglang nagkaroon ng pagasa ang mga mata ni Qiao Anhao: "Bilisan mo,
ilabas mo na. Tignan natin kung gumagana pa. Kapag nagbukas yan,
makakahingi na tayo ng tulong!"
"Sige." Tumungo si Lu Jinnian at dali-dali niyang kinapa ang kanyang bulsa.
Pero biglang kumunot ang kanyang noo at sinubukan niya ring kapain ang isa
niya pang bulsa. Paulit ulit niyang kinapa ang lahat ng bulsa pwede niyang
kapain bago niya muling tignan si Qiao Anhao na para bang naiinis siya…
Kalmado siyang nagsalita para hindi ito masyadong magalala, "Baka nasa
jacket."
Matapos niyang magsalita, nagmamadali siyang naglakad papunta sa isang
gilid para damputin ang kanyang jacket. Sinubukan niyang kapain ang lahat ng
bulsa nito habang si Qiao Anhao naman ay puno ng pagasang nakatingin
sakanya. Noong sandaling ding iyon, inilabas niya ang kanyang wallet mula
rito ng sobrang bagal.
Muling kumunot ang kanyang noo at tumayo. Pinagpag niya ang pantalon niya
at nagtatakang nagsalita na para bang kinakausap niya ang kanyang sarili.
"Ang weird naman, ang alam ko dala ko ang phone ko."
Halatang nadismaya si Qiao Anhao pero sinubukan niya pa ring tulungang
magisip si Lu Jinnian. "Baka nalaglag noong tumalon ka sa sapa?"
Tumungo si Lu Jinnian at pampalubag loob na sumangayon, "Baka nga…"