Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 457 - Bakit ayaw mo sa anak ko? (18)

Chapter 457 - Bakit ayaw mo sa anak ko? (18)

Naririnig niya ang pagbilis ng kanyang hininga at naramdaman niya na parang

unti-unting nagiinit ang kanyang buong katawan.

Hindi nagtagal, naramdaman niya na kahit ang mismong hininga niya ay

nagiinit na rin.

Hindi siya sigurado kung nasaan sila, pero wala siyang ibang maramdaman

kundi ang paginit ng paligid…

Labis ang kanyang pananabik kay Qiao Anhao kaya mas naging agresibo ang

mga naging kilos niya. Walang tigil niyang hinaplos ang iba't-ibang parte ng

katawan nito pero hindi pa rin siya kuntento at parang may iba pa siyang

gustong gawin, samantalang si Qiao Anhao naman ay hindi nanlalaban at

hinahayaan lang nitong gawin niya ang mga gusto niyang gawin.

Panaginip lang ito…pabilis ng pabilis ang paghinga ni Lu Jinnian, pero bigla

nalang siyang huminto.

Hindi ko kaya…Wala na silang relasyon ngayon at gising na rin si Xu Jiamu.

Hindi niya kaya dahil alam niyang gising na ang taong mahal ni Qiao Anhao.

Naniniwala siya na ang dalawa ay para sa isa't-isa at ayaw niyang sirain ang

anumang meron ang mga ito…Kahit hanggang sakanyang panaginip, hindi

niya pa rin kaya…

Unti-unting bumagal ang kanyang paghinga at ikinuyom niya ang kanyang mga

kamay para pigilan ang pagnanasang nararamdaman niya. Sobrang

pinagpapawisan siya noong mga oras na iyon. Gusto niya sanang lumayo kay

Qiao Anhao pero bandang huli ay hinila niya rin ito papalapit sakanya at

niyakap ito.

-

Kinaumagahan, nagising si Qiao Anhao dahil sa paghuni ng mga ibon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kaya ilang

sandali rin siyang nakatitig sa kisame ng kweba bago siya tuluyang

bumangon. Habang nakaupo sa banig, pinagmasdan niya ang kanyang

kapaligiran at napansin niya na wala na siyang kasama. Maging ang apoy ay

patay na rin at tanging mga abo nalang ang natira. Pero ang piaka pinagtataka

niya ay nakasuot na sakanya ang damit na hinubad niya kagabi.

Binihisan ba siya ni Lu Jinnian? Pero nasaan ito?

Habang tinatali ni Qiao Anhao ang gusot niyang damit, napansin niya na may

chikinini siya sakanyang collarbone at nang mapagtanto niya na talaga palang

may nagyari sakanila kagabi, bigla nalang siyang namula.

Hindi pala yun isang panaginip at totoo palang nangyari 'yun…Pero noong

nasa kalagitnaan na sila, bakit bigla nalang itong huminto…

"Kagigising mo lang?" Noong sandali ring iyon, bigla niyang narinig ang boses

ni Lu Jinnian mula sa labas ng kweba.

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at napatingin siya kay Lu Jinnian. Hindi

nagtagal, naglakad ito papasok ng kweba habang dala ang mga prutas na

hindi niya nakain kagabi.

Nakatitig lang siya kay Lu Jinnian habang inilalapag nito ang mga prutas sa

harap niya. Kumuha siya ng isa na agad niyang kinagatan bago niya ito muling

tignan, "Kamusta na ang lagnat mo?"

Nilunok ni Lu Jinnian ang prutas na kasalukuyan niyang nginunguya bago siya

sumagot. "Wala na." Natigilan siya ng sandali bago siya muling magsalita,

"Salamat para sa kagabi."

Alam ni Qiao Anhao na ang ibig sabihin ng pasasalamat ni Lu Jinnian ay para

sa pagtanggal niya ng kanyang damit na ginamit niyang pangkumot dito. Bigla

siyang napayuko at kumagat ng malaki sa prutas na nasa kamay niya.

Ilang sadali ring nabalot ng katahimikan ag buong kweba bago niya muling

iangat ang kanyang ulo para magtanong, "Ano ng gagawin natin ngayon?"

Walang ibang nasa tumatakbo sa isip ni Lu Jinnian kundi ang nangyari

sakanila kagabi, pero nang mapagtanto niyang kinakausap siya ni Qiao

Anhao, dali-dali siyang sumagot, "Huh?"

Akala ni Qiao Anhao ay hindi siya naintindihan ni Lu Jinnia kaya klinaro niya

ang kanyang tanong, "Ibig kong sabihin, aalis na ba tayo ngayon? Baka hindi

tayo mahanap ng crew kung mananatili tayo rito."

Kinapa ni Qiao Ahao ang bulsa niya bago siya magsalita na halatang naiirita,

"Nakalimutan ko na nakacostume nga pala ako kaya wala akong dalang

phone…" Pero mismong oras din na iyon, may biglang pumasok sa isip niya

kaya agad niyang tinignan si Lu Jinnian. "Tama, mayroon ka bang…?"

Related Books

Popular novel hashtag