Sa sobrang gulat, hindi kaagad nakapaglakad si Qiao Anhao bago sumunod kay Lu Jinnian.
Kahit nasa unahan si Lu Jinnian, sinisigurado niya pa rin na hindi masyadong malayo ang pagitan nila ni Qiao Anhao.
Pareho silang tahimik habang naglalakad at wala rin ni isa sakanila ang may balak
Pagkarating nila sa tindahan, hindi na pumasok si Lu Jinnian at hinintay niya nalang si Qiao Anhao sa labas. Mula sa bintana, nasilip niya na kumuha ito ng ilang pakete ng napkin.
So dinatnan pala siya ngayon, kaya naman pala ganun nalang siya magmadali…
Noong nasa cashier na si Qiao Anhao, biglang pumasok si Lu Jinnian at kinuha ang kanyang wallet. Pagkatapos ma'scan ng kahera ang mga binili nito, dali-daling nag'abot si Lu Jinnian ng isang daang dolyar.
"Wala akong barya…"
Dumukot si Qiao Anhao ng ilang sampung dolyar mula wallet nito pero bago pa man din nito maiabot sa kahera, nailatag na ni Lu Jinnian ang kanyang kamay para kunin ang kanyang sukli. Walang alinlangan niyang kinuha ang plastic na puno ng napkin at lumabas ng tindahan nang hindi na hinihintay si Qiao Anhao.
Kagaya ng nangyari kanina, nasa unahan nanaman si Lu Jinnian pero sinisigurado niya pa rin na magkalapit pa rin sila. Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at bigla nalang siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kalungkutan nang makita niya ang malapad na balikat ni Lu Jinnian at dahil hindi niya kayang pigilan ang emosyon niya, agad niya ring ibinaling sa iba ang kanyang tingin.
Masyadong tahimik ang gabi at ang kanilang mga anino ay pinapahaba ng ilaw na nanggagaling sa buwan.
Pagkarating nila sa may entrance ng mansyon ni Xu Jiamu, huminto si Lu Jinnian at iniabot kay Qiao Anhao ang plastic na hawak niya.
Kinuha naman ito ni Qiao Anhao at nagpasalamat.
Hindi sumagot si Lu Jinnian at nagtitigan lang silang dalawa.
Gusto sanang sabihin ni Lu Jinnian na pumasok na si Qiao Anhao para makapagpahinga na ito, pero parang may bumara sakanyang lalamunan at hindi niya masabi ang mga salitang ito. Lumipas pa ang ilang sandali at nanatili pa rin silang tahimik na sakanilang kinatatayuan.
Hindi nagtagal, unti-unti ng naging nakakailang ang katahimikan kaya nang mapansin ni Qiao Anhao na wala ng balak magsalita si Lu Jinnian, muli niyang inangat ang kanyang ulo at sinabi, "Mauuna na ako."
Yumuko si Lu Jinnian at makalipas ang ilang sandali, tumungo siya bilang kanyang pagtugon. Maya-maya, muli niyang inangat ang kanyang ulo at mahinahong sinabi, "Rest well"
"Sige," sagot ni Qiao Anhao habang pahigpit ng pahigpit ang kanyang pagkakahawak sa plastic na nasa kamay niya. Noong sandali ring iyon, nilagpasan niya si Lu Jinnian at naglakad papasok sa mansyon.
Samantalang si Lu Jinnian ay hindi kaagad umalis sa kanyang kinatatayuan. Noong masigurado niya na nakapasok na si Qiao Anhao sa kwarto nito, unti-unti siyang tumingala para pagmasdan ang kalangitan pero parang may biglang pumasok sakanyang isip at dali-dali siyang lumabas ng mansyon para bumalik sa tindahan.
Pagkabalik ni Qiao Anhao sakanyang kwarto, wala na siyang sinayang na oras at muli siyang naglinis ng kanyang sarili at nilabhan ang natagusan niyang panty.
Dati, tuwing darating ang kanyang regla, hindi niya ito napapansin dahil wala naman siyang nararamdamang mali sakanyang katawan, pero ngayon, hindi niya maintindihan pero parang may kabag at medyo masakit rin ang kanyang tiyan. Hindi niya sigurado kung dahil lang ba ito sa malamig na tubig na pinangbanlaw niya sakanyang panty.
Naglakad siya papunta sa balcony para isampay ang kanyang panty pero noong pabalik na sana siya sakanyang kwarto, bigla namang may nagdoorbell.
Bumaba siya para tignan kung sino ang nagdoorbell pero noong sumilip siya sa butas ng pintuan, wala siyang nakitang tao sa labas kaya bigla siyang kinabahan. Medyo natatakot at nagaalangan man siya, pinili niya pa ring buksan ng bahagya ang pintuan ngunit wala talaga siyang makita.
Biglang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao at habang iniisip niya kung sino ang maaring magdoorbell, napasin niya na plastic sa harapan niya.