Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 432 - Lihim na karamay (20)

Chapter 432 - Lihim na karamay (20)

Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata para makatulog na, pero hindi nagtagal, bigla siyang hindi naging kompartable. Ilang sandali pa siyang nanatili sakanyang kinahihigaan pero bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya agad niyang hinawi ang kanyang kumot at dali-daling nagpunta sa CR. Tianggal niya ang kanyang pambaba at doon niya lang napansin na may patak ng dugo sakanyang panty. 

May regla pala siya… Naglakad siya para kumuha sana ng napkin pero bigla niyang naalala na kalilipat niya nga lang pala sa mansyon ni Xu Jiamu at hindi niya pa naihahanda ang mga gamit niya.

Pero hindi niya naman kayang matulog ng ganito... Naiirita siyang umupo sa inidoro at kumuha ng maraming tissue na inilagay niya sakanyang panty bago siya tumayo at maghugas ng kanyang mga kamay. Pagkalabas niya ng CR, dali-dali niyang kinuha ang kanyang wallet at bumaba.

-

Bakit siya lalabas ng ganito na kalalim ang gabi?

Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at kahit hindi niya pa napapatay ang makina ng kanyang sasakyan ay dali-dali niyang itinulak ang pintuan para tawagin si Qao Anhao habang tumatakbo papalapit sa mansyon ni Xu Jiamu, "Qiao Qiao."

Kahit hindi masyadong malakas ang naging pagtawag ni Lu Jinnian, sapat na ang katahimikan ng gabi para marinig ito kaya biglang natigilan si Qiao Anhao at lumingon.

Nakasuot ito ng isang suit na bagay sa balingkinitan nitong katawan. Hindi masyadong maaninag ni Qiao Anhao ang napaka gwapong mukha ni Lu Jinnian dahil natatamaan ito ng ilaw mula sa poste.

Noong sandali ring iyon, naglakad si Lu Jinnian papalapit kay Qiao Anhao at muli nanamang huminto noong halos isang metro nalang ang layo niya mula rito. Pagyuko niya, napansin niya na nakasuot pa ito ng tsinelas. "Bakit nasa labas ka pa ng ganito na kalalalim ang gabi?"

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan si Lu Jinnian. "May kailangan kasi akong bilhin."

Ala una na ng madaling araw at sa kasalukuyan, ang nagiisang bukas na tindahan ay halos limang daang metro pa ang layo mula sa Mian Xiu Garden na aabot rin siguro ng dalawampung minuto kung maglalakad lang papunta at pabalik.

Sobrang nagmamadaling lumabas si Qiao Anhao kaya hindi na siya nakapagpalit at nagpatong nalang siya ng jacket sakanyang pajamas. 

Kahit na mahigpit ang security ng Jing Cheng, hindi pa rin ito sapat para isiping ligtas ang lumabas ng ganito na kalalim ang gabi…Isa pa, ano naman kaya ang kailangan niyang bilhin na sobrang importante?

Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian at malumanay na nagsalita, "Malalim na ang gabi, bukas ka nalang bumili."

"Kailangan ko na talaga ngayon." Medyo nagalanga pa si Qiao Anhao noong una bago siya magpatuloy, "Hindi naman malayo at babalik din ako kaagad."

Sa pagkakataong ito, wala ng balak si Lu Jinnian na pigilan si Qiao Anhao at sinabihan niya itong hintayin siya ng sandali.

Bumalik siya sakanyang sasakyan para pataying ang makina nito. Kinuha niya ang kanyag wallet sa passenger seat at dali-daling bumalik sa kinatatayuan ni Qiao Anhao. "Tara na."

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at nang mapagtanto niya na sasamahan siya ni Lu Jinnian, agad-agad siyang nagsalita, "Ayos lang…"

Pero hindi na siya hinintay ni Lu Jinnian na matapos sakanyang sinasabi at nauna na itong maglakad.