Matapos magsalita ni Lu Jinnian, bigla niyang itinaas ang kanyang kamay para takpan ang mukha niya at nanatili lang siyang tahimik na nakaluhod sa harap ng puntod kanyang ina. Hindi nagtagal, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at unti-unti na siyang humikbi.
Matapos ang dalawang daan at limapu't isang araw na pagsasama nila ni Qiao Anhao, kinailagan nanaman nilang maghiwalay at ang pangungulila na kanyang nararamdaman ay di hamak na higit sa inaasahan niya.
Bawat ala-ala na naipon nila sa loob ng dalawang daan at limampu't isang araw na nagdaaan ay unti-unting bumalik sakanyang isipan ng nakaslow motion na magkakasunod ang bawat pangyayari.
Hindi sila nagpapansinan na para bang hindi sila magkakakilala noong mga unang araw na nagpapanggap sila biglang magasawa. Para maging malapit kay Qiao Anhao, ipinatanggal niya ang lahat ng kama sa mansyon at nagtira lamang ng isa. Sa totoo lang, ang kanyang kahilingan na natupad ay parang naging isang parusa sakanya dahil simula noong nagtabi sila sa kama, gabi-gabi na siyang nahihirapang matulog.
Malinaw sakanyang alala ang unang gabi nila. Habang mabimbing na natutulog si Qiao Anhao, hindi nito namalayan na napayakap na pala ito sa braso niya. Parang kinidlatan ang kanyang buong katawan kaya bigla niya itong itinulak…
Naalala niya rin noong pinuntahan siya ni Qiao Anhao sa kanyang mansyon na nasa Mount Yi noong nagkasakit siya… Ang mga pagkakataon na kasama niya itong magshoot ng 'Alluring Times', ang pagkanta nila ng sabay ng 'There was You in my Youth' sa Royal Palace, ang pagnuod nila ng sine, ang lahat ng kalasada na magkasama nilang nilakarann, ang mga restaurants na kinainan nila at mga salitang sinabi nila…
Maging ang mga sikretong hindi nito alam. Ang paggamit niya ng 'papel, gunting, bato' na nagsilbing pag'amin niya, ang brand ng bilihan ng mga regalo na 'Shimily' na sinadya niyang gawin para rito, ang sikretong liham na itinago niya sa porcelain doll na iniregalo niya rito, at ang kantang 'What a Pity' na inawit niya para rito…
Ang mga alaalang iningatan niya…Ang mga ito ay parang isang kamay na mahigpit na nakakapit sakanyang puso. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa sobrang sakit na nararamdaman niya kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na tuluyan ng umiyak at ang bawat luha na lumulusot sa pagitan ng kanyang mga kamay ay pumapatak sa lapida na nasa harapan niya.
Nanatili si Lu Jinnian sa harap ng puntod ng kanyang ina hanggang sa tuluyan ng lumalim ang gabi. Bukod sa kanyang bahagyang namumulang mga mata, mukha pa rin siyang kalmado at suplado gaya ng pangkaraniwan niyang itsura. Bumalik siya sakanyang sasakyan at makalipas ang ilang sandaling pagkakaupo, binuksan niya ang radyo sasakyan at isang malumanay na kanta ang bumugad sakanya
"Nangungulila ako sayo, hindi lang dahil malungkot ako. Kailanman, hindi ako nagsinungaling sayo, mahal talaga kita.
"Handa akong kalabanin ang buong mundo. Para sayo, naghirap ako ng sobra. Ang mga paghihirap na ito, kaya kong taggapin…
Makailang beses na napalunok si Lu Jinnian. Dahan-dahan niyang inapakan ang accelerator habang iniikot niya ang manibela pababa ng bundok.
"Nakakalungkot na nawala ka sa akin bandang huli. Patawad, ginawa ko ang lahat.
"Hindi ako sumuko, sadyang umiwas nalang ako sayo. Ito kasi ang alam ko para hindi na ako masaktan…"
Masyado ng malalim ang gabi kaya wala ng kahit isang tao na makikita sa mga eskinita, tanging si Lu Jinnian lang na mabilis na nagpapatakbo ng kanyang sasakyan.
"Nakakalungkot, hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati. Hindi ko mapigilang umiyak sa sobrang lungkot.
"Lagi kong tinatanggihan ang pagmamaha na ibinibigay sa akin ng ibang tao, dahil 'yun sa lahat ng pagaalinlangan mo…"
Diretso lang sa kalsada ang tingin ni Lu Jinnian habang muli nanamang bumuhos ang kanyang mga luha. Ibinuka niya ang kanyang bibig pero noong una walang lumalabas rito na na kahit ano pero kalaunan, dahan-dahan niyang sinabayan ang kanta,
"Lagi kong tinatanggihan ang pagmamaha na ibinibigay sa akin ng ibang tao, dahil 'yun sa lahat ng pagaalinlangan mo…"
"Sa totoo lang, sa puso ko, gusto kong magmakaawa na wag ka ng umalis…"
-
Isang araw matapos umalis ni Qiao Ahao ng Mian Xiu Garden, sabau silang lumipad ni Zhao Meng papunta sa Milan para gawin ang consmetic commercial na nakauha niya sa tulong ni Lu Jinnian.
Halos sampung segundo lang ang itatagal ng patalastas, pero masyadong mabusisi ang paggawa nito dahil kailangan nilang magpalipat-lipat sa limang lokasyon; Milan, Paris, Rome, Athes, at sa Vatican City.
Kinailangang manatili ni Qiao Anhao sa Europa ng halos kalahating buwan hanggang sa matapos ang kanyang pagshushoot. Mayroon ng nakahandang ticket para sakanya para makauwi siya kaagad kinabukasan mula sa Paris pabalik ng Beijing.