Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 414 - Lihim na karamay (2)

Chapter 414 - Lihim na karamay (2)

Itinuturing ng karamihan na shopping haven ang Paris, kaya simula palang noong unang araw na makapalapg si Zhao Meng dito, araw-araw na itong naanabik na magshopping. Pero, masyadong maraming kailangang gawin sa trabaho kaya kinailangan muna nitong hintayin na pareho lumuwag ang mga schedule nila ni Qiao Anhao at nangyari lang 'yun noong araw bago sila bumalik sa Beijing.

Gumawa na si Zhao Meng ng mga gusto nitong bilhin. Habang naglalakad papalabas ng pintuan, sinilip ito ni Qiao Anhao at sa nagulat siya sa dami ng balak nitong bilhin kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sermunan si Zhao Meng sa pagiging masyadong magastos nito sa tuwing nagkakapera. Pero biglang nagbago ang lahat noong namimili na sila, dahil si Qiao Anhao na walang balak na bumili ng kahit ano ay naaliw ding magshopping kaya bandang huli, mas marami pa siyang nabili kumpara kay Zhao Meng.

Noong dumating sa punto na hindi na talaga kinaya ni Qiao Anhao na buhatin ang napakarami niyang pinamili, nagpatulong na siya kay Zhao Meng. Tinignan ni Zhao Meng ang malalaki at maliliit na bag na pareho nilang hawak at napagtanto na walumpung porsyento ng mga ito ay kay Qiao Anhao kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na ibalik sa kaibigan ang sermon nito kanina, "Qiao Qiao, ang lakas ng loob mo na sabihan akong masyadong magastos kapag nagkakapera. Sa tingin ko ikaw yun!"

Umiling si Zhao Meng at tila naiinggit na sinabi, "Pero wala namang makakapigil sayo. Sinong nagsabi na kailangan mo ng isang mayaman na asawa gaya ni Mr Lu!"

Kasalukuyang namimili si Qiao Ahao ng kwintas sa counter ng Chanel at nang sandaling marinig niya ang sinabi ni Zhao Meng, bigla nalang nanginig ang kanyang mga kamay kaya nabitawan niya ang kwintas at nahulog ito sa counter. Nahihiya siyang humingi ng tawad sa sales staff bago niya ituro at ipabalot niya ang dalawang kwintas na kanina niya pa tinitignan.

Ang huling pupuntahan nina Zhao Meng at Qiao Anhao ay ang Hermes. Bago pa man din sila lumipad sa Paris, nakapili na si Zhao Meng ng isang palalaking pitaka para sakanyang boyfriend kaya wala na siyang kahirap-hirapan pang namili. Agad niya itong ipinabalot sa sales staff at nagtanong kay Qiao Anhao, "Qiao Qiao, gusto mo bang bumili ng regal okay Mr. Lu?"

Nakatayo lang si Qiao Anhao sa isang gilid at nang marinig niya ang tanong ni Zhao Meng, bigla siyang natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Makalipas ang ilang sandali, umiling siya bilang kanyang pagsagot. Walang nakakaalam kung anong tumatakbo sakanyang isip. Yumuko siya at hindi na muling nagsalita. 

Pagkalabas nila sa Hermes, pareho silang pagod na pagod na kaya napagdesisyunan nila na humanap muna ng café para makapagpahinga.

Inilabas ni Zhao Meng ang kanyang phone at kumuha ng dalawang litrato ng mga ginaya niya sa buong maghapon. Pinost niya lang ito ng sadlit sa Moments bago siya tumingin kay Qiao Anhao, na kasalukuyang nakadungaw sa bintana. Muli niyang itinaas ang kanyang phone para kunan ito ng litrato, na masaya niyang ipinakita kay Qiao Ahao habang sinasabi, "Tigan mo Qiao Qiao! Ang ganda ng pagkakakuha ko sayo, diba? Pwede mo yang ipost sa Weibo."

Hindi nagtagal, muling nagsalita si Zhao Meng, "Qiao Qiao, bilang iyong agent, pakiramdam ko obligado akong ipaalala sayo na matagal mo ng hindi inuupdate ang Weibo mo!"

Biglang napatingin si Qiao Anhao at kinuha ang phone na inaabot sakanya ni Zhao Meng para tignan ang kinunan nito. Nagandahan naman siya kaya napagdesisyunan niyang iupload ito sa Weibo na may caption na: Done with Paris, France.

Tuwing pagkatapos niyang magpost sa Weibo, nakasanayan niya ng itype ang dalawang salita na "Lu Jinnian". Pero, noong sandaling pipindutin niya na ang search, bigla nalang umatras ang kanyang daliri kaya bandang huli, hindi niya na ito itinuloy at nagexit nalang sa Weibo.

Matagal na nakatitig si Qiao Anhao sa kanyang screen bago niya buksan ang kanyang photo Album. Binuksan niya ang litrato na sikreto niyang kinunan noong natutulog si Lu Jinnian.

Masyado siyang naging abala sa kanyang trabaho sa kalahating buwan na nagdaan at ginawa niya ang lahat para iwasan ang mga taong ayaw niya munang makausap, kaya wala siyang naramdamang kahit anong kakaiba. Pero, noong narinig niya ang pangalan ni Lu Jinnian mula sa bibig ni Zhao Meng sa mismong araw ng kanyang pahinga, bigla niyang napagtanto na nakatarak na sa kanyang dugo at buto ang pakiramdam ng pagungulila.