Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 401 - Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (11)

Chapter 401 - Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (11)

Kinabukasan, maagang nagising si Qiao Anhao. Dumungaw siya sa bintana at nakita niya na hindi maganda ang kundisyon ng panahon. Masyadong maulap ang kalangitan at ang buong siyudad ay nababalot ng fog.

Nakapagempake na si Zhao Meng at kasalukuyan itong tinutulungan ng hotel staff na ikarga ang mga gamit nito sa sasakyan. Bago tuluyang umalis, dumaan muna si Qiao Anhao sa set para magpaalam kina Cheng Yang, Song Xiangsi, at sa iba pang mga crew members na may natitira pang isang eksena.

Kahit ano pang dahilan kung paano sila nakapasok sa set o ang kanilang mga hindi pagkakasuduan habang ginagawa ang pelikula, ngayong kailangan ng magpaalam, balewala na ang lahat ng mga iyon. Ibinuhos ng lahat ang kanilang buong makakaya sa loob ng halos tatlong buwan. Ang set na ito ay puno ng kaligayahan, lungkot, iyakan, at pagsusumikap ng bawat isa.

Si Qiao Anhao ay ang tipo ng tao na hindi mahilig sa drama pero noong sandaling magpaalam siya sa lahat, bigla nalang naging mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata. `

Hindi siya umuwi sa Mian Xiu Garden dahil nagpahatid siya kaagad kay Zhao Meng sa ospital kung nasaan si Xu Jiamu. Para naman sakanyang mga maleta, pinauwi niya muna ang mga ito sa bahay ni Zhao Meng at plano niyang dumaan nalang doon pagkatapos niyang gawin ang mga dapat niyang asikasuhin.

Pinaalis lang ni Qiao Anhao ang sasakyan ni Zhao Meng bago siya pumasok sa loob ng ospital. Wala roon si Xu Wanli pero sina Han Ruchu at ang katulong nito ay parehong nasa ward para tulungan ang ang nurse na magempake ng mga gamit habang sumasailalim pa si Xu Jiamu sa ilang pagsusuri.

Naglakad si Qiao Anhao papalapit kay Han Ruchu para tulungan itong magempake ng mga damit ni Xu Jiamu. Tinignan niyang maigi ang buong kwarto para siguraduhing wala ng naiwan bago niya utusan ang katulong na ilagay na ang mga ito sa sasakyan. Matapos ang halos sampung minuto, lumabas ang doktor para paalalahanan sila tungkol sa susunod na check up ni Xu Jiamu, at tuluyan na silang sumakay sa sasakyan.

Dumiretso ang sasakyan sa bahay ng mga Xu. Nakakapaglakad na si Xu Jiamu pero dahil matagal din siyang na'coma, medyo mahina pa rin ang kanyang katawan kaya pagkauwing pagkauwi nila, agad na inutusan ni Han Ruchu ang iba pang mga katukong na alalayan siyang maglakad papunta sakanyang kwarto para makapagpahinga.

Bago pumunta sa ospital si Han Ruchu, inutusan niya muna ang mga katulong na magluto ng lugaw na may herbs kaya nang sandaling makahiga na si Xu Jiamu, agad na inutusan ng mayordoma ang mga katulong na magakyat ng mainit na lugaw.

Masigasig at malumanay na sinabi ng mayordoma, "Young master, masyado kang naging abala sa buong araw. Inutusan ni Mrs. Xu ang mga katulong na paghandaan ka ng lugaw na may herbs, kailangan mong kumain nito."

Nakaupo si Han Ruchu sa isang gilid ng kama at masayang nakangiti. "Anak, susubuan ka ni mama."

Habang nagsasalita si Han Ruchu, iniangat niya ang kanyang kamay para kunin sa mayordoma ang mangkok ng mainit na lugaw pero bago niya pa ito tuluyang makuha, biglang sumulpot si Qiao Anhao para kunin ito. Tumingin ito sakanya at sinabi, "Ako na po ang gagawa."

Biglang natigilan si Han Ruchu pero hindi siya tumutol at sinabi sa mayordoma na nakatayo sa tabi nito, "Hayaan mong si Qiao Qiao na ang gumawa."

Magalang na ipinasa ng mayordoma ang porselanang mangkok kay Qiao Anhao na tumanggap gamit ang kanyang dalawang kamay. Umupo siya sa harap ni Xu Jiamu at sumandok ng isang kutsarang lugaw. Sinigurado niyang nahipan niya muna ito bago niya dahan-dahang itapat sa bibig ni Xu Jiamu.

Ibinuka ni Xu Jiamu ang kanyang bibig. Pinagmasdan niya ang mga taong nakapaligid sakanya at biglang nagbago ang kanyang itsura. Ikinaway niya ang kanyang kamay na para bang nagpapahiwatig na naiirita siya at sinabi, Ma, pwede bang lumabas muna kayong lahat, parang wala ng hangin."

Muling sumandok si Qiao Anhao ng mainit na lugaw at kagaya noong una, nakangiti niya itong hinipan. Tumingin siya kay Han Ruchu at sinabi, Auntie Xu, ako na pong bahala sakanya."

Related Books

Popular novel hashtag