"Salamat." Ngumiti si Qiao Anhao sa assistant at inilapag ang cake na kanyang hawak sa espasyong nilinis ni Lu Jinnian. Nakakabastos naman kung hindi niya aalukin ang assistant kaya muli niya itong tinignan. "Gusto mo ba ng cake?"
Tumungo ang assistant pero tinignan siya ng masama ni Lu Jinnian kaya hindi niya na itinuloy ang gusto sana niyang sabihin. Tumingin siya kay Qiao Anhao para ngumiti rito at pilitin ang kanyang sarili na magsalita. "Salamat Miss Qiao, pero hindi talaga ako mahilig sa matatamis na pagkain."
"Oh…"
Tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian pero noong sandaling iyon, kalmado lang ang itsura nito at wala na ring bakas ng panlilisik sa mga mata nito, kaya walang ideya si Qiao Anhao sa nangayari at ngumiti lang siya. Ibinigiay niya kay Lu Jinnian ang tinidor na dinala niya at sinabi, "Para sayo lahat ng cake na 'yan."
Sumagot si Lu Jinnian ng isang mahinang 'Yea' at habang abala si Qiao Anhao, muli niyang tinignan ang kanyang assistant.
Naintindihan ng assistant ang gusto niyang mangyari kaya bigla itong nagsalita, "Mr. Lu, naalala ko na nangako pala ako sa asawa ko na uuwi ako ngayon para makasama niya akong magdinner, kaya kung wala ka ng iuutos sa akin, pwede na ba akong umuwi?"
Alam ni Lu Jinnian na kaya lang naisipan ng kanyang assistant na umalis ay dahil binigyan niya ito ng babala pero nanatili lang siyang kalmado, na para bang walang nangyari, at tumungo. "Yea, alam ko."
Tumingin muna ang assistant kay Qiao Anhao para magpaalam bago siya lumabas ng kwarto.
Nang makaalis na ang assistant, sinilip ni Lu Jinnian ang oras sa kanyang computer. Oras na para mag'gabihan kaya nagtanong siya, "Anong gusto mong kainin?"
"Kahit ano…" Pagkatapos sumagot ni Qiao Anhao, bigla niyang naalala na may ginagawang trabaho si Lu Jinnian noong dumating siya. "Hindi ka ba busy sa trabaho mo? Gusto mo bang lumabas nalang tayo pag natapos ka na?"
Natigilan siya sadlit at nagsinungaling, "Hindi pa naman ako gutom kasi kakakain ko lang din ng cake."
Pinagisipan muna ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao bago niya iabot ang kanyang ipad dito. "Dito ka nalang maghintay."
"Okay." Kinuha ni Qiao Anhao ang inaabot na ipad ni Lu Jinnian at dahil ayaw niyang maistorbo ito sa pagtatrabaho, itinuro niya ang living room at sinabi, "Doon nalang ako maghihintay."
Tumungo lang si Lu Jinnian at walang ibang sinabi.
Masayang ngumiti si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago niya yakapin ang iPad na hawak. Naglakad siya palabas ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pintuan.
Tinignan ni Lu Jinnian ang nakasaradong pinto at ilang sandali rin siyang nanatili sakanyang kinatatayuan bago siya yumuko habang nakangiti. Muli siyang bumalik sa kanyang upuan at ipinagpatuloy ang naiwang trabaho.
Madilim na ang kalangitan nang sadaling matapos siya. Sinilip niya ang oras at napagtanto niyang dalawang oras na pala ang lumipas kaya nagmadali siyang tumayo dahil naalala niya na naghihintay sakanya si Qiao Anhao sa living room.
Sa sobrang pagmamadali, sinipa niya ang kanyang upuan at mabilis na naglakad papunta sa pintuan. Nang sandaling buksan niya ito, nakita niya si Qiao Anhao na nakahiga habang nanunuod ng pelikula sa kanyang iPad. Pinahinaan nito ng todo ang volume ng iPad sa takot na baka maistorbo siya.
Mabagal na naglakad si Lu Jinnian papunta sa kinaroroonan ni Qiao Anhao, unti-unting kumalma ang kanyang itsura.
Naramdaman ni Qiao Anhao na may papalapit sakanya kaya bigla siyang lumingon at nang makita niya si Lu Jinnian, agad niyang inilapag ang iPad sa sofa at bumangon. Muli niya itong tinignan at nakangiting nagtanong, "Tapos ka na?"