Hindi nagtagal, muling nagsalita si Lu Jinnian, "Matagal na rin naman. May ilan na ngang mga peklat na hindi na masyadong makita."
Ngumiti si Qiao Anhao. "That's Good."
Hindi na muling nagsalita si Lu Jinnian pero hindi niya maalis ang kanyang tingin sa magandang ngiti ni Qiao Anhao.
Muli nanamang nabalot ng katahimikan ang suite. Hindi na talaga kinakaya ni Qiao Anhao ang malagkit na tingin ni Lu Jinnian kaya kumuha na siya ng isang baso ng red wine na inihanda ng service staff sa pagbabakasakali na matutulungan siya nitong kumalma.
Pero bago pa man makarating basong hawak niya sa kanyang mga labi, si Lu Jinnian na nakatayo sa hindi naman kalayuan ay biglang naglakad papunta sakanya at hinawakan ang kanyang malambot at maliit na kamay para pigilan siya.
Agad na natigilan si Qiao Anhao at gulat na gulat siyang napatingin kay Lu Jinnian.
Hindi tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao habang maingat niyang kinukuha ang baso na nasa kamay nito at muli niya itong inilapag sa lamesa. Bilang kapalit, kumuha at nagbukas siya ng isang bote ng mineral water na agad niyang ibigay kay Qiao Anhao. Tinignan niya ito ng diretso sa mga mata habang sinasabi, "Uminom ka ng tubig. Hindi maganda ang alcohol para sa katawan."
Ang pinaka importante rito ay wala pang isang buwan mula noong naoperahan si Qiao Anhao kaya hindi talaga siya pwedeng uminom ng kahit anong klase ng alcohol.
Walang ideya si Qiao Anhao sa kung ano ba talagang tumatakbo sa utak ni Lu Jinnian. Hindi maalis sa kanyang isip kung paano siya tignan nito mula kanina at kung gaano ito katakot na baka muling sumakit ang kanyang tiyan kapag uminom siya ng alcohol kaya bigla nalang itong lumapit para pinigilan siya. Hindi niya mapigilan ang saya at kilig na nararamdaman niya at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin habang nakatingin sa mga mata nito.
Nang magsalubong mga mata nila ni Lu Jinnian, nakaramdam siya ng pambihirang lambing na hindi niya pangkaraniwang nakikita rito dahil tipikal talaga itong suplado. Hindi gumagalaw ang kamay nito habang hawak ang bote ng tubig.
Noong mga sandaling iyon, parang biglang huminto ang oras. Wala ni isa sakanila ang gumagalaw at nanatili lang silang nakatitig sa isa't-isa…
Sa sobrang katahimikan ng buong paligid, pati ang tibok ng puso ng bawat isa ay naririnig na rin nila.
Unti-unting nabalot ang buong kwarto ng intimasiya. Hindi na napigilang yumuko ni Lu Jinnian para mas lumapit sa mukha ni Qiao Anhao. Hindi naman umilag si Qiao Anhao pero medyo nanginginig ang kanyang mga labi na para bang may hinihintay na mangyari.
Bakas sa mga mata ni Lu Jinnian ang naguumapaw na pagmamahal habang unti-unti niya pang ibinababa ang kanyang ulo ngunit nang malapit na sanang magtagpo ang kanilang mga labi, bigla namang may kumatok sa pintuan.
Parehong nahimasmasan sina Lu Jinnian at Qiao Anhao at para maitago ang kaba, agad na kinuha ni Qiao Anhao ang bote ng tubig na nasa kamay ni Lu Jinnian at nagmamadaling sinabi, "Thank you." Nagpanggap siyang sobrang uhaw at ininom ito ng halos nakataob na ang bote habang nakatingala ang kanyang ulo.
Ilang segundo pa ang lumipas na nakatingin lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao bago siya tumindig ng maayos at magsalita, "Come in."
Nang marinig ng service staff na nasa labas ang kanyang boses, agad nitong binuksan ang pintuan at magkasunod na pinapasok ang reporter at photographer.
Nagmamadaling ibinaba ni Qiao Anhao ang bote at kumuha ng napkin para punasan ang kanyang labi bago siya tumayo.
Magalang na nakipagkamay at bumati ang reporter kina Qiao Anhao at Lu Jinnian bago sila pare-parehong umupo. Hinintay muna nila ang kameraman na mai'adjust ang ilaw at sumenyas ito ng OK gamit ang kamay nito.
Noong maayos na ang lahat, itinaas ng reporter ang mikropono at sinabi, "Alam naming lahat na magtambal kayo sa 'Alluring Times', so ibig sabihin mas naging malapit kayo sa isa't-isa. Tatanungin kta ngayon, Mr. Lu…para sa mga mata mo, anong klaseng tao si Miss Qiao?"