Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 350 - Mahal kita, mahal kita (6)

Chapter 350 - Mahal kita, mahal kita (6)

Ang mga mahahabang binti ni Lu Jinnian ay naka'de otso kaya mukha talaga siyang kalmado at elegante. Alam niya naman na may gustong ungkatin ang reporter kaya para sagutin ang tanong nito, nagpanggap siyang nagiisip ng seryoso bago sumagot, "A very talented actress."

Hindi nakuntento ang reporter sa naging sagot niya at muli itong nagtanong, "Bukod sa pagkakaroon ng talento sa pag'arte, mayroon pa ba?"

Hindi na mabilang ni Lu Jinnian kung ilang beses na siyang nainterview kaya kabisado niya na kung paano siya sasagot sa bawat tanong. Tumingin siya kay Qiao Anhao at sumagot kung paano ito mailalarawan ng kahit sinong makakakita rito ng unang beses, "Bata, maganda."

Alam ng reporter na nililigoy lang siya ni Lu Jinnian pero wala siyang ibang magawa kundi tumawa nalang sa naging sagot nito. Matapos niyang magtanong kay Lu Jinnian, tumingin naman siya kay Qiao Anhao na alam niyang kapapasok palang sa entertainment industry.

"Miss Qiao, sigurado akong alam mong kilala si Mr. Lu bilang 'Nation's Husband' ng mga netizens at siya rin ang nakakuha ng award na best male actor sa loob ng magkakasunod na anim na taon. Dahil kakapasok mo lang sa entertainment industry at siya kaagad ang nakatrabaho mo, ano naman ang pakiramdam mo?"

Pinilit na panatilihin ni Qiao Anhao ang kanyang ngiti. Huminto muna siya ng tatlong segundo bago sumagot. "Sobrang nakakasabik"

Muling nagtanong ang reporter, "Miss Qiao, sa tagal niyong magkatrabaho ni Mr. Lu, anong klaseng tao siya?"

Ginaya ni Qiao Anhao ang naging pagsagot ni Lu Jinnian at sinabi, "Isang taong may tunay na nakakahangang talento sa pag'arte, at isang taong binibigyan ang kanyang katambal ng pinagsamang pressure at motibasyon para mas maging magaling pa ito."

Nagpatuloy ang reporter sa pagtatanong kay Qiao Anhao, "Maraming tao online na gusto pang mas makilala si Mr. Lu. Dahil matagal mo siyang nakatrabaho Miss Qiao, may napansin ka bang partikular na ugali o interes ni Mr. Lu na hindi alam ng ibang tao?"

Kahit hindi pa nararanasan ni Qiao Anhao na mainterview sa entertainment industry noon, malinaw sakanya na kapag matapat niyang sinagot ang tanong ng reporter, siguradong malalaman ng lahat na malapit sila sa isa't-isa. Muli siyang naghintay ng tatlong segundo bago siya ngumiti bilang kanyang pagsagot.

"Masyadong maraming ginagawa si Mr. Lu. Madalas, kapag natatapos kaming magfilm, makikita ko nalang na nakayakap na siya kaagad sa kanyang laptop para ipagpatuloy ang trabaho niya sa set. Kahit kapag nagmemakeup kami, madalas din siyang nakatutok sa kanyang phone para sakanyang mga business matters."

Kahit anong subok ng reporter na hulihin sila, masyado silang naging maingat sa pagsagot kaya hindi ito makapagtanong ng tungkol sa mga personal nilang buhay. Bandang huli, sumuko nalang ito at nagpatuloy sa iba pang tanong na inihanda nito. "Kung mabibigyan ka ng oportunidad balang araw Miss Qiao, willing ka bang makatrabaho muli si Mr. Lu?

Mabilis na sumagot si Qiao Anhao. "Oo naman."

Tumingin din ang reporter kay Lu Jinnian. "Mr. Lu?"

Walang alinlang sumagot si Lu Jinnian. "Yes."

Sadlit na yumuko ang reporter para silipin ang mga tanong na inihanda nito at muling nagtanong kay Lu Jinnian, "Para sa huling tanong Mr. Lu, gusto ko sanang magtanong ng isang personal question, May plano ka na bang magpakasal?"

Kalmado at magalang na sumagot si Lu Jinnian, "Matagal ko ng sikreto ang tungkol jan."

Lalo pang naintriga ang reporter dahil sa kanyang naging pagsagot, "Ibig sabihin Mr. Lu, can I assume na mayroon ng taong nasa isip mo ngayon?"

Nagpanggap si Lu Jinnian na hindi niya narinig ang tanong ng reporter at hindi siya sumagot.

Agad na nakuha ng reporter na umiiwas si Lu Jinnian sa tanong kaya muli itong nagsalita para mawala ang ilang. "Mukhang wala pa rin talagang ipinagbago si Mr. Lu, ayaw pa ring magkwento ng tungkol sa kanyang personal na buhay, at nirerespeto naman namin kung yan ang mas gusto ni Mr. Lu. Ngayon, tanungin naman natin si Miss Qiao. Miss Qiao, paano mo mailalarawa ang taong mahal mo?"

Tumingin si Qiao Anhao sa reporter at kumurap. Parang pakpak ng mga paru-paru ang kanyang mahahabang pilik mata noong ginawa niya ito. Seryoso siyang sumagot, "Ang taong mahal ko ay si Mr. Lu."