Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 312 - Gumalaw na si Xu Jiamu (12)

Chapter 312 - Gumalaw na si Xu Jiamu (12)

Muli nanamang nagsalita si Lu Jinnian na halatang kinakabahan. "Hindi mo ba ininom yung gamot kagabi? Pupunta na tayo sa ospital ngayon."

Kinuha ni Lu Jinnian ang phone niya para ibilin sa kanyang assistant na ihanda ang sasakyan.

Walang maisuka si Qiao Anhao kaya puro tubig lang ang lumabas. Nakikita niya sa salamin ang bawat kilos ni Lu Jinnian kaya pinilit niyang ituwid ang kanyang tayo at umiling. "It's fine…"

Pero bago niya pa matapos ang gusto niyang sabihin ay muli nanaman siyang yumuko para sumuka. Noong medyo mas guminhawa na ang kanyang pakiramdam, binuksan niya ang gripo para linisin ang lababo at makapagmumog. Hindi nagtagal ay kalmado siyang tumingin kay Lu Jinnian at sinabi, "Ayos lang ako at may eksena rin ako mamaya. Hindi ko na kailangang pumunta ng ospital."

Muling tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian bago siya kumuha ng tisiyu na ipangtutuyo niya sa kanyang mga kamay. Ilang sandali lang ay agad din siyang naglakad palabas ng CR.

Pagkalabas niya ng CR, hinawakan ni Lu Jinnian ang kanyang balikat at inikot siya nito para makita ang namumutla niyang mukha. Hindi siya nagsalita at itinikom niya lang ang kanyang bibig pero bigla siyang hinawakan ni Lu Jinnian ang sakanyang siko at hinila siya nito. Habang naglalakad, muli itong nagsalita na para bang naguutos. "Kailangan mong pumunta sa ospital."

"Ayos lang talaga ako," sagot niya habang nagpupumiglas sa hawak nito. Pero paano nga ba siya makakawala mula rito? Bandang huli, tuluyan na nga siyang nahila ni Lu Jinnian papunta sa sasakyan nito. Binuksan ni Lu Jinnian ang pintuan at noong akmang itutulak na sana siya ni nito papasok sa loob, may biglang tumunog na phone.

Sadlit na natigilan si Lu Jinnian bago niya marealize na kay Qiao Anhao pala ang tumunog na phone. Nang walang halong pagdadalawang isip, tuluyan niya ng itinulak si Qiao Anhao papasok ng kanyang sasakyan saka siya naglakad papuntang driver's seat. Bubuksan niya palang ang makina ng sasakyan noong narinig niyang masayang nagsasalita si Qiao Anhao. "Talaga, gumalaw na si Jiamu?"

Biglang natigilan ang mga paa ni Lu Jinnian. Halos sapung segundo rin siyang hindi nakagalaw bago niya tignan si Qiao Anhao sa rear view mirror. Kitang kita ang masayang ngiti sa mukha nito at ramdam din sa boses nito ang naguumapaw na pagkasorpresa at kaligayahan. "That's great. Naiinitindihan ko po. Papunta na ko diyan…Bye."

Pagkababa ni Qiao Anhao ng tawag, bigla niyang naalala na nasa loob nga pala siya ng sasakyan ni Lu Jinnian. Ilang sandali din siyang hindi nagsalita pero bakas pa rin sakanya ang masaya niyang ngiti. Tumingin siya kay Lu Jinnian at sinabi, "Tumawag si Mrs. Xu, sinabi niya lang na gumalaw na raw si Jiamu. Gusto ko siyang puntahan."

Napahinto siya ng sandali bago magpatuloy, "Dahil nasa ospital din siya, magpapatingin nalang din ako sa doktor pagkatapos kong bisitahin si Jiamu. Hindi mo na ako kailangang ihatid."

Humigpit ang hawak ni Lu Jinnian sakanyang manibela, na sa sobrang higpit ay namuti na ang kasukasuan ng kanyang mga daliri. Bahagya niyang iginalaw ang kanyang mga labi ngunit hindi siya nagsalita. Tuluya niyang inapakan ang accelerator ng kanyang sasakyan at nagdrive papalayo sa filming set.

Matapos ang matagal na pananahimik, muling nagsalita si Lu Jinnian ngunit parang tuyo at paos ang kanyang boses. "Ihahatid na kita."

Tumungo lang si Qiao Anhao, wala siyang balak na pahabain pa ang usapan.

Noong malapit na sila city, may biglang naalala si Lu Jinnian kaya kinuha niya ang kanyang phone. Tinawagan niya ang kanyang assistant para itusan itong palitan ang filming date.