Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 313 - Gumalaw na si Xu Jiamu (13)

Chapter 313 - Gumalaw na si Xu Jiamu (13)

Dahan-dahang huminto ang sasakyan ni Lu Jinnian sa labas ng ospital kung nasaan si Xu Jiamu. Sumilip muna si Qiao Anhao sa mga taong pumapasok ng ospital bago niya tignan si Lu Jinnian. "Salamat sa paghatid mo sa akin dito."

Diretso lang ang tingin ni Lu Jinnian sa bintana kung saan natatanaw ang ospital, hindi niya maigalaw ang kanyang mga panga. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya sumagot ng mahinang "Yea."

Sadlit na natigilan si Qiao Anhao bago siya muling magsalita. "Mauuna na ako, hinihintay ako ni Mrs. Xu."

"Okay." Walang kabuhay-buhay na sagot ni Lu Jinnian.

Binuksan ni Qiao Anhao ang pintuan pero narealize niya na nakalock pa pala ito kaya muli siyang tumingin kay Lu Jinnian para ipaalala.

Isa pang mahinang "yeah" ang isinagot ni Lu Jinnian at dali-dali niyang binuksan ang lock pero aksidente niyang nabuksan ang front light na agad din naman niyang pinatay.

Noong narinig na ni Qiao Anhao ang tunog na "click" na galing sa sasakyan, muli niyang binuksan ang pintuan at tuluyan ng bumaba. Isasara na sana niya ang pintuan pero medyo nagalangan siya at sumilip muna ulit kay Lu Jinnian. "Bye."

Tumungo lang noong una si Lu Jinnian pero noong isasara na ni Qiao Anhao ang pintuan ay bigla niya naman itong tinawag, "Qiao Qiao.."

Biglang natigilan si Qiao Anhao, hindi makagalaw ang buo niyang katawan. Sa maraming taon kasi na magkakilala sila, ang lagi lang nitong tinatawag sakanya ay Qiao Anhao, minsan Qiao classmate, o di naman kaya Miss Qiao…Ito ang unang pagkakataon na tinawag siya nito ng ganun kalambing.

Humigpit ang hawak ni Qiao Anhao sa pintuan at sobrang bilis na ng tibok puso niya kahit na mukha lang siyang kalmado.

Hindi maintindihan ni Lu Jinnian kung ano ang gagawin niya dahil natawag niya pala ito sa pangalang matagal niya ng itinatago sa kanyang puso. Kalmado niyang itinuloy, "Wag mong kakalimutang magpadoktor pagkatapos mong bisitahin si Jiamu, lumalala ang mga sakit sa tiyan."

"I will."

Nakaramdam si Qiao Anhao ng hindi maipaliwanag na sakit na biglang sumaloy sakanyang puso. Pinilit niyang ngumiti kay Lu Jinnian at muling nagpapalam. Tumungo si Lu Jinnian at ibinuka niya ang kanyang bibig para sabihin ang "Goodbye", ngunit masyado itong mahina kaya hindi ito narinig ni Qiao Anhao. Tuluyan ng isinara ni Qiao Anhao ang pintuan at naglakad papasok ng ospital.

Naiwan ng mag-isa si Lu Jinnian na nakaupo sa kanyang sasakyan pero nanatili ang kanyang mga mata na nakatingin sa likod ni Qiao Anhao na naglalakad papalayo hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.

Maraming sandali na ang lumipas bago niya marealize na nakatingin pala siya sa likod ni Qiao Anhao na naglalakad papalayo.

Noon, lagi rin niyang tinitignan si Qiao Anhao mula sa malayo sa tuwing umuuwi ito ng bahay. Si Qiao Anxia ang madalas nitong kasama o di naman kaya si Xu Jiamu na lagi nitong kabangayan.

Noong nasa high school palang sila, maraming pagkakataon niya itong hinintay sa entrance sa pamamagitan lang ng paghahanap sa likod nito.

Noong nasa college naman na sila, sa tuwing pumupunta ito sa Hangzhou, sikreto niya itong sinusundan pero sa malayo lang dahil ayaw niyang ipaalam dito. Tumatayo lang siya sa labas ng airport o ng railway station habang hinihintay na makita ang likod nito.

Hanggang ngayon, ganun pa rin…

Maraming beses na kung tumalikod lang sana si Qiao Anhao, hindi malabong nakita sana siya nito. Pero kahit isang beses manlang ay hindi ito tumalikod para tignan siya.

-

Nasa first class ward si Xu Jiamu na nasa pinakamataas na palapag. Marami ng nagastos na pera at kapangyarihan ang Xu Family para lang bayaran ang buong palapag na limitahan ang mga taong makakapunta rito.

Kilala si Qiao Anhao ng babaeng gwardiya na nakatayo sa may entrance na mukhang ang pakay din naman talaga ay hintayin siya. Noong sandaling nakita siya nito, agad itong lumapit sakanya para ihatid siya sa ward.