Medyo matagal pang nakatayo ang assistant bago nito sinarado ang pintuan at lumabas ng kwarto ni Lu Jinnian.
-
"Qiao Qiao, anong meron sainyo ni Lu Jinnian?" tanong ni Zhao Meng pagkapasok nila ng elevator.
Hindi sumagot si Qiao Anhao at nakatingin lang sa gamot na hawak ni Zhao Meng.
"Akala ko nagiging maayos na kayo dati? Ginalit ka ba niya? Qiao Qiao, anong nangyari?"
Paulit ulit na nagtanong si Zhao Meng, pero ni isang beses ay hindi sumagot si Qiao Anhao. Pagkarating nila sa kwarto, dumiretso kaagad si Qiao Anhao sa CR para makapagshower bago siya umakyat sa kama.
Habang nilalatag niya ang kumot, biglang namang may tumilapon na karton sa harap niya.
'Yun ay ang gamot para sa sakit ng tiyan na binili ni Lu Jinnian para sakanya.
"Qiao Qiao, galing yan kay Lu Jinnian. Kung gusto mo, pwede mong inumin yan. Pero kung ayaw mo, pwede mo namang ibato nalang sakin. Hindi ko ipipilit na inumin mo yan," sabi ni Zhao Meng bago ito pumuntang CR na para bang pinagdedesisyon siya nito.
Matagal na nakatitig si Qiao Anhao sa karton bago niya ito ilapag sa lamesa na malapit sakanya. Humiga siya kama at habang nakatingala sa kisame ay sobrang naguguluhan ang kanyang isip.
Gusto niya sanang inumin ang gamot para sa sakin ng tiyan pero parang ayaw niya rin. Ganun din ang nangyari noong nasa harap niya si Lu Jinnian, gusto naman talaga sana niyang kunin ang gamot na ibinibigay nito pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.
Alam niya kasi sa sarili niya na 'yun ang pinakamadaling paraan para makaganti siya sa lungkot na idinulot nito sakanya.
Sobrang nanghihina ang katawan ni Qiao Anhao, siguro dahil na rin sa nagloloko niyang kanyang tiyan kaya kahit hindi niya sinasadya ay bigla nalang siyang nakatulog habang iniisip ang gamot na nasa tabi niya.
Mahimbing ang naging tulog niya noong gabing iyon kaya di hamak na mas maganda na ang kanyang pakiramdam pagkagising noong gumising siya kinaumagahan.
Buong araw ang kanyang filming kaya nagmadali siyang magayos ng sarili para sumunod kay Zhao Meng na kasalukuyan ng naguumagahan sa hotel restaurant.
Kagaya ng laging nangyayari, masusustansya ang mga pagkain na nakahanda para sa umagahan. May pritong dough fitters na nakita si Qiao Anhao kaya kumuha siya ng dalawa.
Pagkaupo niya, humigop muna siya ng dalawang beses sa kanyang inumin bago siya kumuha ng dough fritters gamit ang kanyang chopsticks. Nakakaisang kagat palang siya nang maramdaman niya na parang masyado itong mamantika, na hindi niya naman napapansin noon. Dahil dito, muli nanamang nagloko ang kanyang tiyan kaya bigla niyang ibinaba ang kanyang chopsticks at nagmamadaling tumakbo palabas ng restaurant nang hindi na hinihintay na makapagtanong pa si Zhao Meng.
Hindi na rin siya umabot sa cubicle ng CR dahil nasuka na siya lababo.
Saktong kabubukas lang ng pintuan ng elevator na sinakyan ni Lu Jinnian noong bumaba siya para makapagagahan nang makita niya si Qiao Anhao na tumatakbo papuntang CR.
Biglang nagsalita ang kanyang assistant, "Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Miss Qiao."
Nagbago ang itsura ni Lu Jinnian. Medyo nagalangan pa siya noong una bago niya utusan ang kanyang assistant na hintayin nalang siya nito sa restaurant at saka siya nagmadaling maglakad para sundan si Qiao Anhao.
Pagkarating niya sa CR, narinig niya na may sumusuka kaya naglakad siya papasok at doon niya nakita ang balingkinitang katawan ni Qiao Anhao na nakasubsob sa lababo na tuloy-tuloy ang pagsusuka.
Hindi na nagdalawang isip si Lu Jinnian at tumakbo na siya papalapit kay Qiao Anhao para hawakan ang braso nito. "Anong meron? Masakit pa rin ba ang tiyan mo?"
Noong narinig ni Qiao Anhao ang kanyang boses, bigla itong natigilan pero bago pa man ito din makapagreact ay muli nanaman itong yumuko para sumuka.