Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 192 - Bakit hindi nalang ako (2)

Chapter 192 - Bakit hindi nalang ako (2)

Matagal na ng umalis si Lu Jinnian, ng magising sa pagkatulalal ang mga tao pero lahat sila ay tahimik.

Biglang nagsalita si Cheng Yang, "Yung kanta! Yan yung theme song ng pelikula ni Lu Jinnian apat na taon ang lumipas nang pumasok ako sa industry!"

Ilang aktor din ang tumango na kasama sa pelikula. Ang isa sinabi, "Pamilyar nga siya! Nang panahon na iyon nasa disyerto kami, ang sama ng panahon. Sa isang tent higit sa dalawa ang magkasama at nang isang beses, pumunta ako sa banyo sa gitna ng gabi, nakita ko si Lu Jinnian gising pa nakaupo mag-isa naka tingin sa langit. Puro upos ng sigarilyo ang paligid niya at ang lakas ng tutog ng ear phones niya."

Sandali itong tumigil at inaalala ang pangyayari saka nagpatuloy, "Tinapik ko yung balikat niya at nang lumingon siya grabe ang pula ng mata para umiyak. Tapos tumayo ito at umalis. Nang bumalik ako galing sa banyo tinignan ko yung puwesto niya kanina. Nakita ko ang salitang "Happy Birthday" nakasulat sa buhangin. Malakas kasi yung hangin kaya malabo pero malalaman na iyon ang nakasulat."

Tahimik ang buong kuwarto hanggang sa may nagsalita, "Hindi ko alam na kahit mailap ito at suplado tao magmamahal ito ng ganong katagal."

"Ang tsismis noon hindi naninigarilyo si Mr. Lu dati pero may nangyari daw noon. kaya nakuha niya ito. Hindi kaya dahil bigo niyang pag-amin kaya siya natutong manigarilyo?"

"Oo! Si Mr. Lu malakas manigarilyo yun. Madalas nakatayo lang yung sa gilid tapos manigarilyo."

Tahimik ang buong kwarto at nakakalungkot kaya may isa nagpalit ng topic, "Sinabi ni Mr. Lu dati ang tungkol sa first love niya. Hindi ko na maalala ang first love ko kayo guys?"

Sumagot ang isa, "First love? Naalala ko lang ang first night ko."

Puno ng tawanan ang kwarto at nagpatuloy ang usapan, "Naalala ko ang first love ko, maganda at malinis siyang babae, tapos naglalagay ako ng lollipop sa cabinet niya araw."

"Haha. Ayos. Ako ang sama ko sa first love ko, lagi ko siyang inaaway araw-araw hanggang sa magreklamo siya sa teacher at papaluin ako ng tatay ko."

Puno na naman ulit ng tawanan ang buong kwarto.

Lumabas ng banyo si Lu Jinnian at sumandal sa pader humithit ng sigarilyo bago bumalik sa kwarto.

Hindi sarado ang kwarto kaya dinig niya ang tawanan sa loob.

Nang si Song Xiangsi na ang nagtanong, "Qiao Anhao, ikaw sino ang first love mo?"

Related Books

Popular novel hashtag