Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 193 - Bakit hindi na lang ako? (3)

Chapter 193 - Bakit hindi na lang ako? (3)

Tumigil sa pinto si Lu Jinnian.

Tama lang ang boses ni Qiao Anhao at malumanay sapat na para marinig ni Lu Jinnian.

"Ang first love ko hindi siya maganda o interesanteng ng katulad sa inyo. Mahal ko siya sa loob ng maraming taon, nag-aral akong maigi para makasama siya sa first class, tapos nag-aral ulit ako para makapasok sa A college."

"Wow! ngayon lang ako nakakita ng schoar material!"

"A college, tanging magagaling lang ang nakukuha. Bakit ka pumasok sa entertainment industry?"

Gustong malaman ng lahat ang tungkol sa lovelife ni Qiao Anhao.

Sumandal sa pader si Lu Jinnian.

Naalala niya ng iniwan niyang blangko ang papel niya sa math para makasama siya sa third class pero nagsikap siya para sa ibang para pumasok sa first class. Nagpunta siya sa hiindi pamilyar na lugar ng Hangzhou para sabay sila magkolehiyo pero nagsikap ulit siya para sa A college naman.

Tinignan ni Lu Jinnian ang ilaw sa taas at tila iiyak siya.

Isang seridror ang dumaan at nakita si Lu Jinnian na nakatayo lang. Nagtanong ito, "Sir, may kailangan ba kayo?"

Tinignan ni Lu Jinnian ng nakangiting serbidor. Umiling siya, tumayo ng maayosa at umalis.

First love, ang pagmamahal na dala at tila isang magandang alaala sa puso memorya ng lahat.

Tuwing dadating ang tao sa tamang edad, maalala nila ang kabataan nila na maganda at ang mga damdaming hindi na sabi.

Dapat matapos ang party ng 11pm pero natapos ito ng mga 12am. Saktong may tumawag para paalalahanan sila tungkol sa oras.

Alam ni Qiao Anhao na iinom siya ng alak kaya sinabihan niya si Zhao Meng na umalis na dala ang sasakyan.

Tinulungan niya si Chen Yang at Qiao Anxia na sumakay sa sasakyan ng manager dahil sa dami ng nainom nila. Kumuha naman siya ng cab pabalik sa Mian Xiu garden.

Tulog na si Madam Chen, hindi ito sigurado kung babalik si Qiao Anhao ngayon gabi. Tahimik na umakyat si Qiao Anhao para hindi magising si Madam Chen. Naligo at umakyat sa kama pero ng papatayin na niya ang ilaw narinig niya ang tunog ng sasakyan.

Umalis ng kama si Qiao Anhao at tumigin sa bintana, Nakita niya sa ang sasakyan ni Lu Jinnian.

Hindi na nito pinasok ang sasakyan.

Lumabas ng sasakyan si Lu Jinnian ng pa suray-suray papasok ng bahay ng pipindotin niya ang ang pass code. Biglang hindi niya ito maalala.

Nang marinig ni Qiao Anhao ang tunog ng doorbell. Nanginig siya at agad na bumaba.

Gising na si Madam Chen at binuksan nito ang pinto. Magulo ang damit ni Lu Jinnian at pumasok ito ng bahay na hindi tinanggal ang sapatos.

Sinundan siya ni Madam Chen at tinawag para magpalit ng tsinelas.

Lumapit si Qiao Anhao, kinuha niya ang tsinelas at sumenyas na matulog na siya.