Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 194 - Bakit Hindi nalang ako (4)

Chapter 194 - Bakit Hindi nalang ako (4)

Dumiretso sa kwarto si Lu Jinnian nahiga sa kama. Nang lumapit si Qiao Anhao, ni-lagay niya ang tsinelas nito sa sahig a mahinang sinabi, "Magpalit ka ng sapatos."

Walang sinabi si Lu Jinnian. tumingin lang ito sa kisame.

Nasa gilid lang si Qiao Anhao bago siya sinabihan ulit. Hindi siya pinansin ni Lu Jinnian, pumikit lang ito ng mata. Nagtiim bagang si Qiao Anhao, Lumuhod siya at tinanggal ang sapatos.

Nang tinanggal niya ang sapatos nito nagdadalawang-isip siya kung tatanggalin niya ang medyas nito saka nilagay ang tsinelas sa paa nito. Nang tatayo na siya nakita niya si Lu Jinnian na tinitignan siya. Umayos ito ng upo at diretso siyang tinignan.

Yumuko si Qiao Anhao, mahina nitong sinabi, "Bubuti ang pakiramdam mo pag naligo ka…"

nakaupo lang si Lu Jinnian sa kama at hindi gumalaw.

Kinagatt ni Qiao Anhao ang labi niya at tumayo. "Ihahanda ko lang ang pampaligo mo."

Walang dalawang hakbang hinila siya ni Lu Jinnian, nalalag siya sa kama at nasa ibabaw niya si Lu Jinnian. Hindi niya nagawang tumutol dahil hinalikan siya nito.

Masakit ang halik nito na tila gusto siyang kainin.

Matapos ang sanadali, humiwalay ito para huminga. Matagal siyang tinitigan nito bago siya ulit nito hinalikan.

Ngunit hindi na marahas gaya ng una, mas maingat ito. Dahan-dahan, pa baba sa panga, sa leeg. Nang may pagnanasa nagsimula itong sumipsip ang leeg niya bago sa kanya tenga at habang nasa ibabaw diniin niya ang katawan.

tumigil si Lu Jinnian at tinignan si Qiao Anhao. Nang titignan na ito ni Qiao Anhao bigla nagsalita siya mahina, "Bakit hindi ako?"

Hindi maintindihan ni Qiao Anhao ang sinasabi nito.

Tumahimik si Lu Jinnian.

Hindi siya mataba pero matangkad at mabigat ito. Gumalaw ng si Qiao Anhao dahil hindi siya comfortable sa puwesto niya. Bandang huli, hinawakan ni Lu Jinnian ang magkabilang braso niya at nagtanong muli, "Bakit hindi ako?

Tuwing nagtatanong si Lu Jinnian nararamdama ni Qiao Anhao na nagiging basa ang leeg niya.

Hindi siya makagalaw.

Lumunok si Lu Jinnian bago siniksik ang ulo niya sa leeg ni Qiao Anhao. Bahagyang nanginig niyang hinawakan ang kamay nito at sinabi, "Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi ako ang mahal mo?"