"Ya, kalmado lang siya. Kung ako yun, magtatago na ako."
"Ano tingin mo inakit ba niya si Mr. Lu o na hulog ang loob nito sa kanya?"
"Hindi ba halata? Siguradong siya na nguna. Saka hindi mo ba na pansin kahit si producer Sun mabait ang trato sa kanya? Ginamit niya siguro ang katawan niya para makuha ang importanteng role sa set."
"pero paano na gawa ito ni Mr. Lu? Ito ang una niyang Scandal at sa kanya pa..."
"Hehe... Bakit selos ka? Pwede mo rin gamitin ang pagkain bilang pag-aalaga sa kanya tapos bigay mo sarili mo. Kung maakit si Mr. Lu sayo, baka sumikat ka."
"Ako? Selos? Bakit ako magseselos? Hindi ba mga pokpok lang ang gumagawa niyan!"
Naging marahas ang pananalita nila, Umubos si Zhao Meng para malaman ng grupo. Nang makita nila si Qiao Anhao na bigla sila pero agad din kumalma at umalis. Hindi pinansin si Qiao Anhao.
Hanggang sa sila Zhao Meng na lang ang naiwan sa lounge.
Pinansin ni Zhao Meng si Qiao Anhao. Mukhang kalmado si Qiao Anhao pero nakakatakot ito. Sandaling bumukas ang bibig ni Zhao Meng at sinabi, "Qiao Qiao..."
Kumurap si Qiao Anhao at binigay ang telepono kay Zhao Meng at kalmadong sinabi, "Mag-online ka at alamin mo kung ano ang balita."
Bumalik sa kuwarto nila si Qiao Anhao. Binigay ni Zhao Meng ang telepono niya. " Qiao Qiao, may nagpadala sayo ng hindi kilalang message sa weibo, at nag-viral ito... Ang sabi pumasok ka daw sa kuwarto ni Mr. Lu sa gitna ng gabi ng walang naka pansin..."
Humina ang boses ni Zhao Meng sa huling pangungusap.
Humigpit ang kapit ni Qiao Anhao sa telepono at kinuha ito ni Zhao Meng." Qiao Qiao, lahat ng artist may scandals, mawawala rin yan... "
"Akin na ang telepono," Utos ni Qiao Anhao habang lahad ang kanyang kamay.
Umurong si Zhao Meng at umiling. "Qiao Qiao, hindi mo na kailangan makita ito... Masasaktan ka lang."
Sumigaw na si Qiao Anhao sa kanya, "Ang sabi ko akin na ang telepono!"