Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 150 - Sagutin mo ang isang tanong ko (2)

Chapter 150 - Sagutin mo ang isang tanong ko (2)

"Qiao Qiao..."

Kinagat ni Zhao Meng ang labi niya nang makita ang galit sa mukha ni Qiao Anhao, binigay niya ang telepono.

May dalawang photo ang nasa 'Weibo.' Ang una nasa labas siya ng kuwarto ni Lu Jinnian at kita sa litrato ang mukha nito ng bukasan nito ang pinto. Ang pangalawa, ang pumasok siya ng kuwarto dala ang pagkain.

Na-upload ang photo ng 5 am ng umaga. Nagfilming si Qiao Anhao buong hapon at hindi niya na ito binuksan para malaman ang balita.

Walong oras na ng ma-upload ang photo at marami na itong shares at nasa headlines na rin ito.

Ito ang popular sa 'Weibo', isang commmet, na may 10k likes: "The second female lead para sa show ay si Lin Shiyi pero bigla itong na bago at naging si Qiao Anhao. Ngayon, lumabas ang totoo: GINAMIT NIYA ANG KATAWAN NIYA!"

Matapos ng comment na iyon lahat ng tao pinagsabihan siya.

"Kakahiyang babae, umalis ka na sa entertainment industry!"

"Pokpok, Bakit mo inakit ang asawa ko!"

-

Tinignan ni Qiao Anhao ang Weibo, lalo itong naging marahas.

Humigpit ang hawak niya sa telepono, bumilis ang paghinga, at taas-baba ang kanyang dibdib. Habang binabasa ito.

Hindi ito na kaya tignan si Zhao Meng kaya sinabi niya,"Qiao Qiao, gusto mo tawagan ko ang PR team ng Huan Ying Entertainment? Baka pwede nila burahin ang comments."

"Burahin?" Tumawa lang si Qiao Anhao. "Akala mo ba mawawala ang mga photos kung burahin? Halos 8 oras pero naging headliner na. Tingin ko handa ang gumawa nito."

"Ibig mong sabihin may taong ayaw sayo? Bakit naman nila gagawin yun?"

"Kung ma-palabas ang 'Alluring Times', Sino ang kukuha ng atensyon ng tao?" Tanong ni Qiao Anhao. "Ang motibo niya ay masira ang reputasyon ko, para makumbinsi ang lahat nakuha ko ang role ng pailalim bago pa ako sumikat. Pagdududahan na ako ng lahat kahit gaano ako ka galing umarte."

"Qiao Qiao, sino ang gagawa nito sayo?"

"Ang staff at crew ay pumirma ng confidentiality contract, maging ang mga serbidor hindi magagawa ito at kahit meron man, hindi nila ito ibebenta sa paparazzi, kaya hindi rin sila."