Dahil sa ulan kaya bahagyang bumaha. Nang umalis si Lu Jinnian, mga ilang patak ang tumama sa braso ni Qiao Anhao ng umalis ito.
Nang umalis si Lu Jinnian, naiwang mag-isa si Qiao Anhao sa kalye ng Mian Xui Garden. Nagmukhang malungkot si Qiao Anhao dahil sa ilaw ng street lights.
Bumalik ng mansion si Qiao Anhao matapos ng matagal niyang pagkatayo. Pinunasan niya ang luha pagbalik ng mansion.
Pagdating sa bahay sumalubong sa kanya si Madam Chen at tila hindi ito na gulat sa pagdating niya.
"Mrs. Lu, gusto niyong kumain, naghanda ako ng hapunan?"
Matapos umiyak emosyonal pa rin si Qiao Anhao, hindi siya gulat na inaasahan siya ni Madam Chen. Umiling siya at mahinang sumagot, "Hindi na salamat, naghapunan na ako." at nagdagdag, "Medyo pagod ako kaya mauna ako."
"Gusto niyo ng hot bath ng bumuti ang pakiramdam niyo?" sabi ni Madam Chen papaakyat sa taas.
Ngumiti si Qiao Anhao at tumangi, "Okay lang, ako na ang gagawa, magpahinga ka."
"Sige, Magandang gabi Mrs. Lu."
"Maganda gabi."
Ngumiti si Qiao Anhao kay Madam Chen bago pumunta sa taas.
Pagpasok hinagis ni Qiao Anhao ang bag niya, na ligo at nagpalit ng damit. Kinuha ang luggage na dala nang magpunta sa Mian Xui Garden, pinindot ang code, nilabas ang kahon. Umupo sa carpet at binuksan ang kahon.
Magulo ang laman ng kahon may plane tickets, train tickets, at ilang 100 dollar bills.
Matagal tinitigan ni Qiao Anhao ang laman nito at saka hinalungkat ito na hanap niya ang asul na sulat.
Dahan-dahan hinawakan bago niya ito kinuha.
Sealed ang sulat at hindi pa na bubuksan ng may-ari matapos ng maraming taon.
Matagal na ang sulat, kumpas na ang kulay at halos wala na rin ang pulang star.
Matapos umakyat ni Qiao Anhao. Bumalik si Madam Chen sa kuwarto at tumawag.