Tumunog ang telepono ni Lu Jinnian habang papasok ng Highway. Wala balak bagalan ni Lu Jinnian ang sasakyan. Ngunit, tumunog ang telepono at nakita niya galing ito sa Mian Xiu Garden.
Nagdadalawang-isip tinabi ni Lu Jinnian ang sasakyan at sinagot ang telepono.
Alam niya na 3 araw ang pahinga ng filming kaya sinabihan niya si Madam Chen na agahan maghanda ng hapunan at sabihan siya kung bumalik si Qiao Anhao.
Hindi alam ni Madam Chen na inuwi si Qiao Anhao ni Lu Jinnian, magalang niyang sinabi, "Mr. Lu, nagbalik na si Mrs. Lu pero kumain na po siya sa labas kaya umakyat na siya at nagpahinga."
Sumagot si Lu Jinnian ng "mm" bilang tugon pero nang puputulin niya na ang tawag bigla niyang naalala na bahagyang na basa si Qiao Anhao dahil sa ulan hababg naghihintay ng taxi. Hindi niya pinutol at mahinang sinabi kay Madam Chen, "Gumawa ka ng Ginger tea para kay Mrs. Lu ng hindi siya siponin."
"Pero gustong magpahinga ni Mrs. Lu..."
"Mabilis gawin ang Ginger Tea. Kung tulog na siya, gisingin mo nalang at paginom mo bago matulog." Hindi naka pag salita si Madam Chen at tinuloy niya, "Ibaba mo yung temperature mamaya. Hindi ko gustong magka-sipon si Mrs. Lu" ."
Naintindihan ko, Mr. Lu."
Sinigurado ni Lu Jinnian na wala siyang nalimutan at nag bilin, "Hindi dapat ito malaman ni Mrs. Lu na sinabihan kita."
Saka binaba ang telepono.
Matapos ng tawag hindi na tanong ni Lu Jinnian. Kung ano pakiramdam ni Qiao Anhao pagdating da bahay? Umiiyak pa rin ba?
Kinuha niya ang telepono pero nagdalawang-isip siya at binalik ang telepono sa bulsa. Habang naka upo sa driver seat at hawak ang manibela inalala niya ang umiiyak na itsura ni Qiao Anhao. Kilala niya si Qiao Anhao ng 10 taon. Sa loob ng 10 taon. Madalas naka ngiti ito o tahimik at Yuko ang ulo. Minsan kung may hindi ito na gustuhan nagtitiim-bagang ito pero ang unang beses na umiyak ito.
Ramdam niya ang sakit habang iniisip ito. Maging ang puso niya ramdam ang sakit. Pinaandar niya ang sasakyan at bumalik sa Mian Xiu Garden.