Chapter 8 - Litrato at ang Video

Ang pag-ako ni Tangning na kasalanan nitong lahat ang mga nangyari ay nalinis ang pangalan ng Tianyi. Tinanggap din ng HF ang pag-hingi ni Han Yufan ng tawad dito at ang naging tagapagsalita nila ay naipasa kay Mo Yurou dahil inilaan na ito sa kanya at siya ang naging biktima. At dahil sa nangyari, inaasahan tumaas pa ang pagkakakilala ng mga tao sa kanya.

Naging maayos ang lahat para sa Tianyi Entertainment at kay Mo Yurou, pero kabaliktaran nito ang nangyari kay Tangning.

Sa isang iglap, naging 'Queen of Hype', 'Scheming Model", 'Green Tea Bxxxx* Tangning' at kung ano - ano pang mga termino ang nagsimulang naglabasan sa mga search rankings at nagreresulta ay humahantong sa mga masasakit na salita.

Nakaupo lang si Tangning habang pinapanuod ang mga lumalabas sa news. Sinusukan niyang maging kalmado dahil alam niyang ang pagtitiis na iyon ay mapupunta lang sa kanyang ulo…

…Sisiguraduhin niyang pagdudasahan ni Han Yufan at Mo Yurou ng higit pa sa sampung beses kumpara sa mga nararanasan niya ngayon!

Pero sa mata ng publiko ngayon, ang kanyang imahe ay sirang - sira na na kahit ang naglilinis ay hindi maiwasang sabihin ang saluobin nito. "Miss Tang, pwede bang ilipat mo yang mahahalagang binti mo? Hindi mo ba nakikita na naglilinis ako dito?"

"Wala ka namang show na pupuntahan pero pumupunta ka pa rin dito araw - araw. Sumasakit ang likod ko pagsunod sa'yo at maglinis pagkatapos mo."

Nanlamig ang ekspresyon ni Tangning. Kahit alam niyang dumating na sa puntong bumaba na ang kanyang career, hindi nangagahulugan na kahit sinuman ay pwede siyang takutin. Kinuha nito ang kanyang telepono at tinawagan si Han Yufan at siniguradong naka-loudspeaker ito para marinig ng tagalinis ang pinag-uusapan nila. "Yufan, ganito na ba kababa ang posisyon ko sa kumpanyang ito na kahit tagapaglinis ay pwede akong pagsalitaan?"

"Kunin mo ang pangalan niya at sabihin sa HR na pa-alisin ito." Walang pag-atubiling sagot ni Han Yufan.

Pinatay ni Tangning ang tawag at malamig na tinignan ang tagalinis, "Dahil madali akong pakisamahan, pwede mo na akong kausapin. Dahil hindi na ako isang modelo, hindi ibig sabihin no'n hindi ako myembro ng Tang Family. Dahil sa oras na gustuhin ko, ang isang tagalinis na katulad mo ay pwede kong tanggalan ng trabaho magpakailanman, nang hindi nagaangat ng daliri ko."

Namutla ito at nanlamig. Hindi nito alam na si Tangning ay ganoon katindi manakot. Mabilis na yumuko ito at humingi ng paumanhin, "Sorry… Miss Tang, hindi ko na po uulitin."

"Even if you are above other, you should treat others equally. Not to mention the fact that you are below others." Ayaw ni Tangning na pahirapan pa ang mga ito pero kinailangan niyang turuan ang mga ito ng leksyon. Tumayo ito pagkatapos nitong mag - salita; at nakatanggap ito ng mensahe galing kay Han Yufan na pumunta siya sa kanyang opisnia.

"Tangning, your image right now has fallen depths of the abyss so, may mga aktibidades akong ipapagawa sa'yo at kailangan mong puntahan. Hopefully, you can redeem yourself in front of the public. Isn't Mo Yurou hurt? Bakit 'di mo kaya siya puntahan at alagaan para ipakita sa kanya na you're sorry? Baka makakuha ka ng simpatya galing sa kanila."

Tinignan ni Tangning ang mukha ni Han Yufan at natanong kung bakit hindi niya napansin kung gaanong nakakahiya ang pagmumukha nito.

Gusto kunin ni Mo Yurou ang opurtunidad na ito para ipahiya siya. Pero iminugkahi pa talaga ni Han Yufan na puntahan nito si Mo Yurou at alagaan siya.

"Kailangan mo lang ipakita sa lahat at sa harap ng kamera kahit ilang minuto lang kasi ipapalabas ito ng live.."

Ang akala ni Han Yufan ay tatanggihan siya ni Tangning. Ginamit ni Mo Yurou ang kanilang anak ni Han Yufan upang humingi ng hindi makatwirang hiling dito. Pero, sumang-ayon naman ito.

"OK."

"Talaga bang gagawin mo?"

"Simula ng masugatan si Mo Yurou, wala akong pagkakataon na puntahan siya. This is a perfect chance," Maayos na sagot ni Tangning dito.

"Kung ganun, maghahanap ako ng taong pwedeng sumama sa'yo papunta roon kasi maraming reporters na nasa labas."

Nanatiling kalmado si Tangning kahit alam niya na ang planong pagpapahirap sa kanya ni Mo Yurou. Alam niyang, kung gaano kataas at kamakapangyarihan ang nararamdaman ni Mo Yurou ngayon, ay ganun din ang katigas ang babagsakan nito.

Ang pagtatawanan ng mga tao sa huli…

…ay hindi pa rin maitutukoy.

'Di nagtagal, sumakay si Tangning sa sasakyan ng assistant ni Han Yufan papunta sa Tianhe Hospital. Papunta pa lang ay sinabihan na ni Tangning si Mo Ting, " Hubby, wag kang mag-alala sa mga balitang nakikita mo tungkol sa akinm may plano ako. Tapos, uuwi ako mamaya, pwede bang magpadala ka isang taong susundo sa akin galing sa Tianhe Hospital? Hindi ko kasi alam kung saan ang bago nating tirahan…"

Natanggap ni Mo Ting ang mensaheng iyon ni Tangning sa kalagitnaan ng kanyang meeting. Sa kauna-unahang pagkakataon, tinigil nito ang kanyang ginawa na naging sanhi ng na ang mapatinging sa isa't - isa ang lahat ng taong may matataas na posisyong sa kumpanya. Anong klaseng mala-diyos na tao ang may ganitong impluwensya?

Hindi pinansin ni Mo Ting mga reaksyon ng taong nasa paligid niya ang itunuon ang pansin sa kaawa -awang boses ni Tangning. Agad niya itong ni-replyan, "Good girl, susunduin kita mamaya."

Pagkatapos matanggap ni Tangning ang mensaheng iyon, hindi niya maiwasang isipin ang ekspresyon ni Mo Ting habang tinatawag siya nitong 'good girl'. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi nito at ang kanyang mga mata ay kumurba na parang dalawang gasuklay na buwan. Sa mga oras na iyon, ang assistant ni Han Yufan ay tinignan si Tangning sa salamin, 'Makakangiti ka pa ngayon, pero tignan natin kung anong mangyayari pagnalaman mo kung anong paparating sa'yo.'

Alam ni Tangning na galit sa kanya ang buong mundo, pero pinilit niya ang kanyang sarili na 'wag alalahanin ang iniisip ng iba. Pagkatapos nitong kausapin si Mo Ting, pinadalhan niya rin ng mensahe ang kanyang manager.

"Long Jie, Han Yufan arranged for me to go and take care of Mo Yurou at the hospital. Malapit na ako, handa ka na ba?"

"Anyone perceptive enough would be able to tell, na ang mistress na iyon ay ginagamit ang opurtunidad na ito upang ipahiya ka. Akala ba niya magagawa niya ito? I have been ready a long time ago, I'm sure public will be entertained. May mga litrato na ako at may video."

"Pwede mo ng ilabas ang mga litrato, pero itago mo muna ang video. Gusto kong bigyan si Han Yufan at Mo Yurou ng oras para mag - away."

"sige, na-iintindihan ko. Antayin muna natin ang tamang panahon. When they are at their worst, saka ko na I-rerelease ang video at i-seal ang deal!" Excited na tugon ni Long Jie, "Gusto kong malaglag si Mo Yurou kung sa'n nasa pinakataas na siya. Tangning, even though there are so many people insulting you, I noticed there are still the small minority that are sticking up for you. Sa tingin ko may ilang kabutihan pa rin ang nanggagaling sa lahat ng ito."

"Long Jie, mag-ingat ka."

Binura lahat ni Tangning ang kanilang pag-uusap ng kanyang manager ng bahagyang ngiti ito sa labi niya.

Sa loob ng isa sa mga pribadong kwarto sa ospital, nanghihinang naka-upo sa kama si Mo Yurou. Maisip pa lang niyang sa sandaling mapahiya niya si Tangning ay kumikislap ang kanyang mga mata.

Hindi niya lubusang maisip na magpapakatanga si Tangning at aku-in ang lahat ng nangyari. Hindi lamang nadagdagan ang halaga nito, tinulungan niya rin si Mo Yurou para makuha at maging tagapagsalita ng HF.

"Yurou, malapit na sina Tangning. Pagdating niya, ang kamera at tatapat sa'yo at you will be broadcasted live for 3 minutes. In a moment, sasabihin ko sa doctor na puntahan ka at palitang ang bangades mo. At the same time, I'm going to make Tangning wash your feet…"

"Dumating na rin ang araw na ito…" Sabi ni Mo Yurou - dahil sa matagal na siyang natatabunan ng anino ni Tangning. Mula sa araw na ito, pinapangako niya aakyat siya ng mataas at hihigitan niya pa iyon. Aapakan niya si Tangning, kukunin si Han Yufan, at maging first lady of Tianyi.

"Mula ngayon, things will get better for you. Plus, ang Annual Top Ten Model Awards ay mamimili na, at siguradong akong isa ka sa mga mapipili. At that time, you wil be one step closer to becoming a top model."

Unti -unting ngumit si Mo Yurou, mas maganda pa ito sa anumang bagay na pinangarap niya. Dahil sa mga nangyaring ito, ang kayabangan niya ay nagsisimulang lumago..

Translators notes:

*Green Tea Bxxxx (绿茶婊) = Internet slang used to describe ambitious women who pretend to be innocent.