Chapter 45 - Tapakan si Tangning

Ngayon, labis ang galak na nararamdaman ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanayam ang dalawang magandang oriental beauties. Welcoming Tangning and Mo Yurou!" ang reporter ay gumamit ng matatas na Ingles upang batiin ang dalawa. Sa sandaling ito, Kinailangan ni Mo Yurou ng ilang sandali na makinig sa translator na nasa kanyang tainga bago makapagbigay ng tugon. Gayunpaman, maaari lamang siya tumugon sa salitang Chinese. Sa kabilang dako, ang pagsasalita ni Tangning ng ingles ay kasing tatas ng pagsasalita ng ingles ng reporter, kaya naman naging madali para sa kanya na makipag – usap dito. Sa ilang sandali, mas nadama ng reporter na naging mas malapit siya kay Tangning.

"Alam ko na kayong dalawa ay nakakuha ng maraming atensyon dahil sa inyong paparating na 'labanan'. Gusto kong malaman, tungkol sa pakikipagtulungan na ito, ano ang iyong mga saloobin? "

Pagkatapos marinig ang mapaglinlang na tanong ng reporter, nag – alala si Han Yufan na baka may sabihing negatibo si Tangning, ngunit, nanatili ang ngiti sa mga labi ni Tangning habang sinasagot ang tanong, "Iginagalang ko ang bawat trabaho na ginagawa ko ... iyon ang aking saloobin ko sa mga bagay na iyan. "

"Ako rin," Sinundan agad ni Mo Yurou ang sagot ni Tangning, upang madaling makatakas sa pangangailangan na sumagot.

"OK, ano ang iyong opinyon sa bawat isa? "

Isa pang mapaglinlang na tanong. Nararamdaman ni Han Yufan na para bang pinagpapawisan na siya ng malamig, dahil sa oras na ito, kung tatapakan ni Tangning si Mo Yurou katulad ng ginawa niya sa kamakailang stage event, wala siyang magagawa para pigilan ito. Pero, sino ang mag – aakala, pagkatapos mag – isip ng ilang saglit, sa wakas ay tumugon din si Tangning ng isang salita: "Confident."

Para sa karamihan ng mga tao, ito ay tunog tulad ng isang papuri, ngunit sa katotohanan, kinukutya talaga siya ni Tangning. Dahil sa laging iniisip ni Mo Yurou sa kanyang sarili na magaling siya, inisip niya na seryoso siyang pinupuri ni Tangning. Ang kanyang expression ay naging mas mapagmataas habang may panghahamak sa mga tingin niya kay Tangning. Sa ganitong uri ng sitwasyon, may pagpipilian ba si Tangning kundi magpakabait at magbigay?

Biglang nagbigay ng maluwag na paghinga si Han Yufan sa kanyang narinig. Pinagmasdan ng reporter si Mo Yurou. Una niyang naisip na sasagot siya sa pinaka angkop na paraan, gayunpaman, ikinabigla ng lahat ang kanyang sagot, "Ang Tangning na nasa aking mga mata, ay hindi masyadong mapagpakumbaba ..."

Hindi masyadong mapagpakumbaba!

Biglang nalaglag ang puso ni Han Yufan, kinailangan niyang pigilin ang kanyang sarili na tumakbo papunta sa entablado. Nadala ba ni Mo Yurou ang kanyang utak niya ngayon? O dahil sa masyado na siyang napuri nitong mga nakaraan kaya na naisip niya na maaari na niyang gawin ang lahat ng gusto niya? Inihambing nila siya sa iba dahil alam nila na hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makasama ang mga ito, kaya walang pagkakataon na gumawa ng paghahambing sa totoong buhay, ngunit iba ang sitwasyon nilang dalawa ni Tangning; malapit na silang makibahagi sa isang photo shoot – makikita agad ng lahat ang resulta. Paanong hindi siya nagpigil ng kahit kaunti at binigyan niya ang sarili niya ng kaunting pagkakataon na umatras kung sakali na may maling mangyari?

Nabigla ang marami sa naging sagot ni Mo Yurou.

Hindi pa sila nakita ng ganitong mapagmataas na modelo, nadama din nila na halos hindi umiiral ang EQ nito.

Sa paghahambing, ang may kumpiyansang tugon ni Tangning ay pinag – isipan at makabuluhan.

"Natigilan ng ilang sandali ang reporter, hindi sigurado kung paano makakabawi sa kanilang pag-uusap. Sa sandaling ito, maayos na ipinagpatuloy ni Tangning ang pag – uusap at nailigtas ang lahat sa nakakahiyang sandaling iyon, "Si Miss Mo at Senior Huo ay lumabas sa parehong news article, tiyak na walang pa akong masyadong kakayahan – marami bagay pa akong dapat matutunan."

Ang Senior Hou na tinutukoy ni Tangning ay ang infamous supermodel na si Huo Jingjing na dati ay lumabas sa Victoria's Secret runway - lahat ng mga reporters ay pamilyar sa kanya. Kasabay nito, maaaring masabi ng mga reporters na magalang lamang si Tangning, dahil … kung ganon talaga kagaling si Mo Yurou hindi ito lalabas sa isang simpleng 3rd-class publication.

Patuloy na ngumiti si Mo Yurou na may kumpiyansa. Pagkatapos na siya ay puriin ni Tangning, naging mayabang ang ekspersyon ng mukha niya.

"Mula sa sinasabi mo, marahil kahanga – hanga nga talaga si Miss Mo." Pinagmasdan ng reporter si Tangning ng may pagpapasalamat sa mga mata nito habang sinusundan ang pangunguna nito at pinuri si Mo Yurou.

Ito ay isang maikling 20-minutong pakikipanayam, ngunit ang puso ni Han Yufan ay halos tumalon sa kanyang dibdib habang nakatayo sa tabi.

Siya ay orihinal na nag-aalala tungkol kay Tangning, ngunit ngayon, lubos siyang binigo ni Mo Yurou.

"Yurou, bakit mo tinapakan ang pagkatao ni Tangning sa panahon ng interbyu?" pagkatapos ng interbyu, galit na pinagsabihan ni Han Yufan si Mo Yurou.

"Yufan, bakit mo kinakampihan si Tangning? Ito na ang ating pagkakataon na hilahin siya sa kanyang mataas na kabayo, syempre hindi ko ito pababayaang masayang lang. Nakatanggap na ako ng labis na pang-aabuso mula sa kanya, Kinailangan kong maghiganti."

Sa hindi kalayuang lugar, Tinitingnan ni Tangning ang argumento sa pagitan ng dalawa na may isang pagngisi sa kanyang mukha. Nang makita niya ang kanyang expression, hindi mapakali si Han Yufan.

"Huwag mong sabihin sa akin, na sa kaibuturan ng iyong puso, sa tingin ay hindi ako maaaring maihambing kay Tangning o kay Hou Jingjing."

Walang ibang pagpipilian si Han Yufan kundi aliwin si Mo Yurou habang inilalagay niya ang kanyang sa kanyang noo. Si Mo Yurou ay matalino minsan, ngunit sa mga oras na tulad nito, siya ay labis na naging hangal - lalo na pagkatapos nito makatanggap ng mga papuri sa mga tao.

"OK, oras na para maghanda para sa photo shoot. Ang labanan na ito, kailangan mong manalo, walang "Huwag kang mag – alala …" punong – puno ng determinasyon si Mo Yurou na manalo.

Samantala, sa kabilang panig ng silid, nakatanggap ng tawag sa telepono si Tangning galing kay Mo Ting, "Ang interbyu ngayon, pinanood ko … inutusan ko si Lu Che na bigyan ng kopya si Huo Jingjing. Walang masyadong pakiaalam si Huo Jingjing nang makita niya ito dahil sa sanay na siya na palaging pinagkukumparahan sa lahat ng pagkakataon. Kaya naman ipinasa na namin ng direkta sa legal team …"

Tama, si Huo Jingjing ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Hai Rui.

Pareho ang iniisip ng mag – asawa. Bakit hindi kaya magawa ng isang B-grade model na maging mas mapagkumbaba? Dahil sa hindi niya alam kung paano tumigil at disidido ito na iangat ng mas mataas ang kanyang sarili, kung gayon wala akong ibang pagpipilian kundi ilagay ito sa hindi nito inaasahang mahirap na katayuan.

"Talaga bang…"

Dahil mayroon siyang lakas ng loob na hamakin ang aking asawa, kailangan niyang harapin ang kahihinatnan nito … Tangning, bukod sa pagiging mabait sayo, hindi ako ganon kadaling pakitunguhan."

Ang lalaking kayang kontrolin ang buhay at kamatayan ng entertainment industry ay hindi karaniwan ang karakter – noon pa man ay alam na ito ni Tangning.

"Nakita mo lang siya na hamakin ako," walang masabi si Tangning, naitulak na niya si Mu Yurou sa bingit na hindi na ito maaaring makabalik pa, bakit wala man lang sinasabi patungkol dito ang lalaking ito?

"Mamaya, kapag tapos ang iyong photo shoot, susunduin kita," marahang tumawa si Mo Ting; para sa kanya, ang lahat ng ginagawa ng kanyang asawa ay tama at marapat lamang itong suportahan!

Tumawa din si Tangning habang itinatango ang kanyang ulo … hindi niya kayang matanggihan ang pagkamaalalahanin ni Mo Ting.

Pagkatapos, kasama nina Lin Wei at Long Jie, pumasok si Tangning sa waiting room para magpalit ng damit. Dahil ang front cover ng magazine ay may itinatampok na dalawang tao, ang damit at makeup nina Tangning at Mo Yurou ay magkatulad – ang magazine shoot na ito ay nakalaan na maging hamon sa kanilang mga kakayanan.

Sa kailaliman, pareho nilang iniisip na gawin ang bawat isa na backdrop, pero paano nila lalaruin ang kanilang mga baraha…

… dumepende sa kanilang sariling kakayahan.

Tulad ng dati, bago ang kahit anong photo shoot, marikit at tahimik lamang si Tangning – hindi siya masyadong nagsasalita. Ito ang nagbigay ng dahilan kung bakit mas lalo pang nagtiwala sa sarili si Mo Yurou. Pakiramdam niya na kaya si Tangning ganoon kumilos dahil alam nito na hindi siya magaling. Samantala, iniisip niya sa kanyang sarili na siya ang may kontrol ng buong set…

Dahil sa ang tema ay 'Oriental Trend', ang dalawang modelo ay parehong nakasuot ng tradisyunal na two-piece costumes. Sa pang – itaas nakasuot sa kanila ang napakagandang high collared shirt, may butones sa may bandang leeg at may detalyadong disenyo sa mga manggas nila.

Samantala, sa oras na ito, iwinawagayway na ni Mo Yurou ang feminine vibe ng isang babae mula sa ancient times...