Hindi mo maisasalaysay gamit ang mga salita lamang ang gulat na nararamdaman ni Li Xun sa mga sandaling ito. Sa totoo lang, tanging ang anim na mga manlalaro ng Team Void lamang ang walang nalalaman tungkol sa pananambang na ito ng Team Happy.
Ito ay dahil sa kitang-kita naman kasi ng mga kasamahan nila na nanonood sa labas ang galawang ginagawa ng Team Happy. Sa kasamaang-palad, wala silang magawa para masabihan ang kanilang mga kasamahan.
Tungkol naman sa mga manonood?
Hindi sila nagulat kagaya ni Li Xun. Wala silang nagawa kundi ang maghintay na lamang sa mga sandali na kung saan sumugod na ang Team Void, at sa mga sandali na makita nila ang pananambang na ito ng Team Happy.
At ngayon, dumating na nga ang mga sandaling iyon.
Ito na ang sukdulan ng labanang ito.
Sa mga panahong natuklasan ni Lu Xun ang mga nagtatagong manlalaro ng Happy ay kaagad na nagsigawan, at naghiyawan na ang mga manonood.