"Uy, Tandang Ye!"
Ang taong tumawag sa pangalan ni Ye Xiu ay hindi isang kahit na sinong tao lang sa kanto. Kundi, siya ang boss ng Excellent Era na si Tao Xuan. Sa mga panahong tinawag niya ang pangalan ni Ye Xiu ay naging mabilis ang paglapit niya sa kanila.
Sa tono ng pananalita ni Tao Xuan ay para bang magkalapit na kaibigan silang dalawa ni Ye Xiu. Sa loob ng ilang mga sandali ay hindi mapigilang matulala ni Chen Guo. Ibang tao ba itong kaharap nila ngayon imbis na si Tao Xuan?
Ngumiti naman si Ye Xiu at iwinagayway niya ang kaniyang kamay bilang pagbati sa paparating na si Tao Xuan.
"Ang aga niyo, ah?" Ngumiti si Tao Xuan.
"Ang aga niyo nga rin, eh." Sumagot naman si Ye Xiu.
Tiningnan ni Tao Xuan ang mga manlalaro ng Happy. Siya ay isang matandang miyembro na ng Alliance, kaya madali lang para sa kaniya na makilala sina Wei Chen, at Sun Zheping kapag ito ay ginusto niya.