Sapat na para kay Cao Guangcheng ang katotohanan na ang boss mismo ng Excellent Era na si Tao Xuan ang nagpaunlak para sa kanilang alok na isang panayam.
Pero matapos maayos ni Cao Guangcheng ang mga impormasyong nakalap niya sa pananayam ay dito niya namalayan kung anong klase ng tao nga ba talaga ang boss ng Excellent Era.
Sa pananayam ay ipinaalam ni Tao Xuan sa lahat na tinatanggap ng Excellent Era ang ginagawang pakikipaglaban ni Ye Qiu sa kanila.
Pero malinaw para sa mga matang may karanasan tungkol sa mga bagay-bagay na ang ginawang ito ni Tao Xuan ay isang paghahalo ng pabango sa isang nakalalasong bulaklak.
Naging masyadong mabait ang Excellent Era kay Ye Qiu. Pero gumawa ng isang Team si Ye Qiu, at pinamunuan niya ito para harapin ang Excellent Era sa Challenger League. Naging malinaw na ang imahe ng publiko sa Excellent Era matapos ang artikulong ito.