Sponsorship?
Napailing si Ye Xiu. Ang Sponsorship ay isang galawang pinapairal sa lahat ang kita. Kinakailangan na mayroong makuhang benepisyo ang taong nagbibigay ng tulong sa isang Team, kaya kadalasang hinahanap nila ay ang mga malalakas, at kilalang Team.
Hindi naman masyadong marami ang mga tagahangang sumusubaybay sa Challenger League, kaya ilang mga negosyo lamang ang makakakuha ng malinaw na benepisyo kapag tinulungan nila ang isang Team dito.
Hindi na bubukod tangi tungkol dito ang Happy. Kahit na hindi isang malakas na Team ang Happy par sa mga mata ng lahat. Hindi ka makukulangan ng mga bagay na maari mong gawing paksa tungkol sa Team Happy. Idagdag pa na nagiging marami na rin ang nakakapansin sa Happy.
Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa ring mga negosyo ang kumukontak sa Team Happy, ito ay dahil sa malinaw na nararamdaman nila na hindi pa sapat ang ipinapakitang lakas ng Happy para sa kanilang mga pamantasan.