"Kamusta ulit mga kaibigan, papanuorin nating lahat ang labanan sa pagitan ng Happy at Mysterious Fantasy. Sa labanang ito ay malalaman nating lahat kung sino sa dalawang Team ang makakapagpatuloy sa kanilang paglalakbay dito sa Challenger League..."
"Makikita niyo sa inyong harapan ang listahan ng mga manlalaro sa dalawang kampo. Sigurado ako na namalayan niyo na siguro ang kung ano ang kakaiba ngayon sa kasalukuyang Team Happy." Walang humpay na nagsasalita na naman ang pinuno sa seremonyas.
"Tama, walang isinamang Cleric ang Team Happy para sa labanang ito. Grabe, ang tapang nila! Para gawin ang ganitong klase ng galawan sa isang labanan na kung saan maaring matapos ang kanilang mga panagarap ay hindi natin maitatanggi ang tapang ng Team Happy..."