Matapos makitang kalmadong nakatayo si Tang Xing sa harapan niya ay hindi malaman ni Zhang Yiwei kung ano ang kaniyang sasabihin. Dahil dito ay napabuntong hininga na lamang siya.
"Ano?" Hindi pa rin naiintindihan ni Tang Xing ang kung ano ang mga nangyari.
"Masyadong nag-alala ka lang." Napailing si Zhang Yiwei. Hindi niya binanggit kay Tang Xing na siya rin ay nag-alala sa lahat ng mga nangyari.
"Sa totoo lang ay isang baguhan lang naman talaga ang taong 'yun. Nag-aalala ka lang ng masyado noong naglalaban kayo." Itinuro ni Zhang Yiwei si Steamed Bun na nasa entablado.
"Ano?" Nabigla si Tang Xing at sinabing: "Pero..."
Napatawa ng mapait si Zhang Yiwei, at siya'y napailing sa kaniyang ulo. Alam naman kasi niya kung ano ang mga sasabihin ni Tang Xing.