Cough, cough, cough, cough....
Hindi mapigilang mapaubo ng buong Happy matapos nilang marinig ang mga sinabi ni Wei Chen. Sa totoo lang ay mabuti na lamang ay sanay na silang lahat sa kung papaano nila maiilagan ang tanong na ito. Pero mas malakas pa rin kaysa sa kanila ang mga mala-Diyos na manlalaro.
Hindi nagbago ang mukha ni Ye Xiu sa harap ng tanong ni Wei Chen. Kalmado siyang sumagot ng: "Oo, naging magaling ka nga sa panghahamak."
"Hahaha, iyan naman ang ibig sabihin ko." Napatawa si Wei Chen, at napaubo na naman ang buong Happy.
Tapos na ang Individual Competition, at nagawang makakuha ng tatlong puntos ang Team Happy, dahil walang nakuhang kahit na anong puntos ang Mysterious Fantasy ay kinakailangan nilang maipanalo ang Group Arena o Team Competition.