Nagsimula na ang ikatlong yugto ng mga labanan sa Individual Competition ng Team Happy, at Team Mysterious Fantasy. Nakapasok na sa loob ng mapang paglalabanan ng dalawang manlalaro ang kanilang mga karakter.
Kagaya sa mga sinabi ni Wei Chen ay wala naman talagang kwenta ang labanang ito para sa kampo ng Mysterious Fantasy dahil hindi naman magagawang apektuhan ng isang puntos na ito ang magiging resulta ng lahat.
Gayunpaman, dahil ang paligsahan ay hindi isang bagay na maari mong maintindihan kapag ipinagdugtong-dugtong mo lamang ang isa, at dalawa. Kahit na hindi dito malalaman kung sino ang mananalo sa dalawang kampo ay maaapektuhan nito ang pagpapasiya ng kampong natalo.
Nagawang makakuha ng dalawang sunod-sunod na tagumpay ang Team Happy sa Individual Competition. Malinaw na ganadong-ganado sila na makipaglaban. Tungkol naman sa Team Mysterious Fantasy? Sa pagkatalong tinamo nila ay nanghinaan sila ng loob.