Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 963 - Gawin Nating Mas Bayolente Pa ang Bagyo

Chapter 963 - Gawin Nating Mas Bayolente Pa ang Bagyo

Biglang nagkaroon ng udyok si Reporter Chang Xian na sumugod papalabas ng kwarto na ito. Totoo naman na siya ay isang Reporter na nangangailangan ng tsismis, at mga impormasyon para mabuhay sa mundong ito.

Pero sa kasamaang-palad, masyadong mababangis ang mga balitang bumungad sa harapan niya sa araw na ito. Sa sobrang bangis ng mga balitang narinig niya'y nahirapan siyang tumayo. Ang pinakadakilang mala-Diyos na manlalaro sa kasaysayan ng Glory na si Ye Qiu ay isang pekeng pagkakakilanlan?

Simula noong itinatag ang Glory Alliance, ito ang pinakamalaking... pinakamalaking... ano?

Ginustong gamitin ni Chang Xian ang terminong "iskandalo" para isalaysay ang lahat ng ito, pero sa totoo lang ay hindi talaga niya itinuturing na isang iskandalo ang lahat ng ito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS