Ang Team Happy ang pakay ni Chang Xian kaya siya pumunta rito, pero hindi ang Team Happy ang pakay ni Cao Guangcheng. Bilang isang kilalang Reporter sa larangang ito ng eSports ay hindi niya aabalahin ang sarili niya sa kaganapang ito kung hindi dahil sa Team Excellent Era.
Kahit na sinamahan niya si Chang Xian sa lugar na ito, pumunta lamang siya dito dahil sa Excellent Era at wala na siyang interes sa iba pang mga Team.
Sa totoo lang ay talagang hindi itinatanggi ni Cao Guangcheng na talagang isang sikat na Team na ang Team Happy. Pero kahit na iyan ay ang katotohanan ay ano naman ang problema doon? Kahit na gaano pa man sila kasikat ay hanggang sa Challenger League lang naman ang kanilang impluwensya.
Idagdag pa na wala naman talagang kabuluhan ang pag-usapan ng lahat ang Team Happy, dahil paniguradong babagsak naman sila dito sa Challenger League.