Tinapos na ni Chen Guo ang kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang tatay. Sa mga sandaling magpapaalam na sana siya ay bigla niyang namalayan na nasa may kanto na pala sina Ye Xiu, at Su Mucheng. Tahimik na naghihintay sa kaniyang pagbabalik.
"Ah... Ambilis, ah?" Nabigla si Chen Guo.
Napatawa sina Ye Xiu, at Su Mucheng. Pero hindi na sila nagsalita pa. Tiningnan ni Chen Guo ang kaniyang orasan, at nabigla siya sa kaniyang namalayan: "Hala, ako pala ang nagtagal!" Hindi pala naging mabilis sina Ye Xiu, at Su Mucheng. Naging masyadong matagal lang pala siya.
"Wala naman akong magagawa... Naging marami ang nangyari sakin sa taong 'to..." Sinulyapan ni Chen Guo ang libinangan ng kaniyang ama, at pabulong na sinabi ito sa kaniyang sarili.