Dahil naaapektuhan ng mga nangyayari sa loob ng laro ang mga nangyayari sa mga opisyal na labanan sa Alliance. Hindi maganda kung ipagpilitan pa ni Feng Xianjun ang kaniyang mga gusto. Walang nagawa si Feng Xianjun kundi ang pakalmahin na lamang niya ang kaniyang sarili.
Kahit na ano pa ang sabihin natin, sa puntong ito. Dahil ang pangunahing sakit sa ulo ni Feng Xianjun sa lahat ng ito ay ang Happy na nasa Challenger League. Mas naging interesado si Feng Xianjun sa kung ano man ang mga nangyayari sa Challenger League.
Sa unang araw ng Abril, nakatanggap ng isang opisyal na abiso ang mga Team na kalahok sa Challenger League mula sa Alliance. Kinakailangang lumitaw ang bawat manlalaro ng bawat Team na kalahok sa mga offline na labanan sa 4/19, at 4/20.
Magsisimula ang mga offline na labanan sa pagsapit ng 4/21.