Deretsahang ibinunton ni Liu Hao kay Ye Qiu ang sisi. Walang naging reaksyon sa mga sinabi niya ang ibang mga Team Captain. Kaswal lang na ininom nila ang kanilang mga kape, binuksan ang kanilang mga pagkain o binalatan ang kanilang saging...
Si Ye Qiu ang pangunahing salarin sa problema na ito. Hindi naman nagkakamali si Liu Hao. Sa totoo lang ay wala naman talagang problema para sa mga propesyonal na manlalaro na tulungan ang kanilang mga kasamahan sa guild sa loob sa laro.
Pero dahil sa ginawang panghihimasok ni Ye Qiu ay nagbago na ang lahat, dahil kinakalaban ni Ye Qiu at ng Team Happy niya ang mga propesyonal na manlalaro ng kanilang kampo. Idagdag pa na sa suporta ng mga guild ng dalawang kampo ay masyadong mahirap para sa kanila ang mamatay.