7:45.
Mas naging malaki ang pinsalang nailapat ng mga salitang ito kaysa sa kahit na anong skill na tumama sa katawan ni Tian Sen. Kahit na gustong-gusto pa talaga niyang makipaglaban ay walang nagawa si Tian Sen kundi ang umalis na sa lao.
Kasi naman, siya naman kasi ang Team Captain ng Team Royal Style, at ang kanilang alas na manlalaro. Nasa kaniyang mga balikat ang responsibilidad na buhatin ang kaniyang mga kasamahan sa tagumpay.
Hindi siya hahayaan ng kaniyang pag-uugali na umatras sa mga opisyal na labanan nila kahit na ano pa man ang dahilan.
Sa wakas ay huminto na sa paggalaw ang Exorcist ni Tian Sen. Ito ang nanyayari kapag pwersahang umalis sa laro ang isang manlalaro. Ang isang karakter na walang taong nagkokontrol ay aapakan lamang ng lahat sa ilalim ng kanilang mga paa.