"Sasali ako sa laban, kailangan ko lang ng labin-apat na minuto!" Naiinis na sagot ni Tian Sen kay Ye Xiu.
"Ano ang gagawin ko kapag may trapik?" Sabi ni Ye Xiu.
"Walang problema, nasa istadyum naman namin ang labanan!" Sumagot naman si Tian Sen.
"Papaano kung biglang masira ang elevator? Sa mga naaalala ko'y nasa isang matandang gusali ang istadyum ng Royal Style. Palagi niyo bang tinitingnan ang estado ng inyong mga elevator?"
"..." Walang masabi si Tian Sen. Ito ay dahil sa talagang naaalala niya ang nakakainis na ingay ng elevator kapag inihahatid siya nito sa itaas o sa ibaba.
Isang atake na lamang!
Hindi mapigilang mainip ni Tian Sen. Kahit na isang atake na lamang ang kinakailangan para mapatumba si Hidden Warrior Alyan ay halos tatlong minuto na niyang hindi magawa ang atake na ito.