"Ang ibig mong sabihin ay itong mga taong ipapakilala mo sa amin ngayon ay mga taong ngayon mo lang rin pala nakilala?" Tiningnan ni Ye Xiu si Lou Guanning.
"Hahaha, sa totoo lang ay nakabatay rin naman kasi sa Glory ang takbo ng buhay ko. Sigurado naman ako na maiintindihan mo ako." Sabi ni Lou Guanning.
Walang masabi si Ye Xiu. Talagang naiintindihan rin naman kasi niya ang ibig ipahiwatig ni Lou Guanning. Ang ibig sabihin ni Lou Guanning na kahit na siya'y mukhang isang taong maraming kaibigan ay siya pala ay isang taong mahilig lang na maglaro't wala nang iba pa.
Pero dahil sa masyadong kakaiba ang kinalakihan niya't pamilya niya'y walang naging problema para sa kaniya na makihalubilo sa mga taong nakilala niya sa araw na ito.