Palagiang nagiging bida ang ikatlong araw ng All-Star Weekend para sa lahat. Itong araw rin ang katumbas sa All-Star Competition, dahil sa araw na ito naman ginaganap ang paligsahang iyon.
Sa araw na ito ay mahahati sa dalawang grupo ang bawat isa sa dalawmpu't-apat na All-Star na manlalaro para malabanan nila ang isa't-isa.
Kung hindi dahil sa katotohanan na parang isang palabas lang itong All-Star Weekend ay maituturing na sa araw na ito siguro maisasagawa ang pinakamagagandang laban sa buong Professional League.
Ang mga opisyal mismo ng Alliance ang nagpapasiya sa kung saang mga Team mabibilang ang mga All-Star na manlalaro. Noong una ay hindi naman talaga nila hinahati ang mga All-Star na manlalaro sa iba't-ibang Team para maglaban, dahil noon ay sila na mismo ang namimili sa kanilang kakalabanin.