"Talaga?" Tulalang sabi ni Chen Guo at siya'y napaisip sa isang idioma: The expert grasps the essence, while the amateur sees the surface.
Noon ay akala niyang ang mga manlalarong kagaya niya ay matagal ng alam ang lahat, pero ngayon, pagkatapos marinig ang sinabi ni Ye Xiu, naramdaman ni Chen Guo na ang ibabaw lang pala ang nakikita ng mga manlalarong kagaya niya.
Nagpatuloy sa panonood si Chen Guo sa labanan. Bahagyang nahirapan siyang pagtuonan ng pansin ang kaniyang pinapanuod dahil siya'y naguguluhan.
Tama nga, ang sumunod na pangyayari ay nasa loob ng inaasahan at nahinuha ni Ye Xiu. Naaggrabyado ang Stellar Sword ni Gao Jie. Sa ilalim ng long-range na mga atake ng Dancing Rain ni Su Mucheng, wala siyang nagawa kung hindi saluin ang pambubugbog sa kaniya.