Matapos sabihin ni Chen Guo ang mga salitang iyon, agad siyang nakaramdam ng pagsisisi. Dahil sa mga nakaraan niyang naranasan na nagsabi sa kanya na kada magkukumento siya ng kahit na ano tungkol sa Glory, palagi siyang tinutulungan ni Ye Xiu para malaman ang mga bagay na hindi niya alam. Ngayon, hinid niya maiwasan ang sarili niya at nag bigay ng mabilis na papuri. Noong sinabi niya ito, nagising siya sa katotohanan at maingat na tinignan si Ye Xiu.
Ngayon ay iba naman. Hindi lang sa hindi agad siya tinulungan ni Ye Xiu, tumango pa siya. "Talagang magaling sila."
"Oo." Pinuri rin sila ni Wei Chen. "May skill sila."
"Ayoko talagang makaligtaan ang magaling na talent." Napabuntong hininga si Ye Xiu. Binuksan niya ang listahan ng kanyang mga kaibiga at nakita silang dalawa ulit.
"Matapos ang maingat na pagiisip, ano sa tingin mo? May interes ba kayong sumali sa Happy?" Mensahe ni Ye Xiu.