Tumakbo ang Excellent Era sa dalawang dungeon ng sunod sunod na para saw ala. Matapos makita kung paano nageensayo sa mga dungeons na ito ang Happy, naisip ni Xiao Shiqin na ang kaka-set lang nilang pang sampung manlalarong record ay malilinis rin ng Happy sa kalaunan. Sa kinabukasan, magiging payapa pa rin ba ang mundo sa paglabas ng mga propesyonal na manlalaro?
Sa kabilang banda, masasabi na sobrang nagaalala ang Excellent Era tungkol kay Ye Qiu. Pero sa kabilang banda, sobrang pabaya nila sa mga kasamahan ni Ye Qiu. Palagi nilang nakakalimutan na team rin ang nasa panig ni Ye Qiu. Tinuon ni Ye qiu ang utak niya sa pagbuo ng kanyang sariling team sa oras na umalis siya sa Excellent Era.