Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 89 - Home Advantage

Chapter 89 - Home Advantage

Sa gitna ng mga hiyawan, ang labanan ay opisyal na nagsimula.

Sa pro scene, ang lubos na pagkakapanalo ay pambihira. Imposibleng ipakita ang tunay na kaibahan ng isang beteranong manlalaro sa isang noob, May mga ilang malalakas, at dominadong mga manlalaro kasama ang kanilang god-level na mga karakter na kayang pigilan ang mga ordinaryong pro players. Pero si Su Mucheng at ang kaniyang Dancing Rain ay wala sa ganitong level.

Gayunpaman, kung ikukumpara, ang Stellar Sword ni Gao Jie ay mas mahina. Pero ang ganoong klaseng impormasyon ay hindi sapat para mahulaan kung sino sa kanilang dalawa ang mananalo. Sa one on one na labanang ito, hindi na bihira na walang ni-isa sa kanila ang mananalo. Ang kanilang husay at galing sa entablado ay maaring pataasin o pababain ang deperensya sa kanilang lakas.

Pero kahit na ano pa ang sabihin mo, kinakailangang gamitin ng isang manlalaro ang lakas ng kanilang God-level characters. Kahit na gaano pa ka lakas ang isang manlalaro, may mga panahong nanghihina sila at natatalo.

"Beauty Su, magsisimula na ako!" Isang mensahe mula kay Stellar Sword ang lumundag sa chat box.

Tama. Sa mga kompetisyon sa Glory, kahit na ang dalawang magkakalaban ay hindi maaring gamitin ang kanilang mga boses sa paguusap, maari nilang isulat ang gusto nilang ipahayag sa chat box. Sa playing field, nag-iisa lang ang public chat channel. Ang mga mensaheng ipapadala rito ay nakikita ng lahat.

Sa totoo lang, ang trash talk sa pagitan ng dalawang manlalaro'y mas hindi malilimutan kaysa sa kanilang labanan. Sa pro scene, walang kulang sa mga manlalarong dalubhasa sa pang-iinis sa kanilang mga kalaban. Pagkatapos naipadala ang mensahe, talagang makikita ito ng kalaban. Hindi maaring mapigilan o maisara ang chat box.

Syempre, nakadepende sa gusto ng isang manlalaro kung gagamitin ba niya ang ganitong paraan o hindi. Sa mga nagdaang taon, maraming klase ng mga manlalaro ang nagsilitawan.

May mga manlalarong nagsasalita kapag may chansang magsalita.

May mga manlalarong gagawin ang lahat para mainsulto ang kanilang kalaban.

May mga manlalarong hindi magsasalita ng kahit na ano sa simula hanggang sa dulo.

May mga manlalaro pa ngang pupunuin ang screen at ginagamit ito sa pang-iinsulto sa mga ari ng kanilang kalaban...

Kahit na ang ganitong klase ng usapan ay hindi hinaharangan. Sila'y pinaparusahan ng Alliance. Bukod dito, sa dami ng mga taong nanonood, ang ganoong klase ng usapan ay siguradong nakakasira sa imahe ng mga manlalaro.

Kaya naman, ang mga ganoong pangyayari ay nangyayari lang pag may pagkakamali at kadalasang hindi sinasadya. Matagal nang walang espesyalista sa ganoong klase ng usapan.

Ang mga sinabi ni Gao Jie ay matatawag na panghahamak dahil siya'y isang babae. Mabilis na nagngalit ang galit ng mga taga-suporta sa loob ng Happy Internet Cafe. Sa kabila nito, tanging isang smiley face lang ang isinagot ni Su Mucheng at sinabing: "Sige!"

Wala nang iba pang masasabi si Gao Jie bukod sa kaniyang pambungad na salita, kaya kaagad niyang binunot ang kaniyang espada at nagsimulang umatake. Si Stellar Sword ay isang Blade Master. Si Su Mucheng ay isang Launcher. Ang isa'y long-ranged class at ang isa'y close-combat class. Ginamit ni Gao Jie ang kaniyang nalalaman tungkol sa map para lapitan si Dancing Rain.

Bakit masyadong maraming nalalaman si Gao Jie tungkol sa mapa? Ang dahilan ay ito ang pinakamalaking advantage ng home ground. Nasa kanila ang pribilehiyon pumili ng mapa.

May mga ilang battle maps ang Glory at maraming naidadagdag bawat taon. Ang pagkakaroon ng kaalaman kung ano ang mapang gagamitin ay magiging paraan para makapagsaliksik at magkapagensayo ang isang manlalaro gamit ang mapang iyon. May mga posibilidad na magkakaparehas ang pipiliing map ng home at away team. Pero ito'y bihira lamang na mangyari. At habang mas dumadami ang mapa ng Glory, ang posibilidad na mangyari ito'y mas bumaba.

Kapag ang mapang kanilang napili ay kaparehas sa kung ano ang napili ng kalaban. Iyon ay ang kanilang pagkakamali na hindi nila pwedeng masisi sa ibang tao.

Ang kasulukuyang ginagamit na mapa sa one on one match na ito'y isang siyudad na nababalutan ng puting-niyebe. Ang buong katawan ni Steller Sword ay nababalutan ng puti. At pati na ang kaniyang armas na "White Lightsaber" ay nagbibigay ng puting liwanag. Malinaw kung ano ang kaniyang dahilan sa pagpili ng mapang ito.

Sa kasalukuyan, ginagamit ni Stellar Sword ang pinakamalayong ruta papunta kay Dancing Rain. Ang broadcast ay nakatuon sa first person perspective ni Stellar Sword para maipalam sa lahat ang kaniyang kasulukuyang kalagayan. Pagkatapos, ang kamera'y lumipad sa itaas na para bang ibon. Mula rito, makikitang si Dancing Rain ay parang tulalang hindi gumagalaw mula sa kaniyang orihinal na posisyon.

Ang point of view ay agad na napunta kay Dancing Rain.

Ang broadcast ay mayroong samu't-saring points of view. Hindi lang first-person view. Sa sandaling ito, ang perspective ay nasa third-person view na hinahayaang makita ng lahat ang ginagawang pag-iikot ni Dancing Rain para hanapin ang kaniyang kalaban.

Kahit na sa mga manlalaro nakasalalay kung nakakasabik ba ang labanan. Importante din ang anggulo ng camera, kahit na gaano pa kagaling ang mga manlalaro, pag palagiang nasa bird's eye view ang kamera, ito'y magiging basura.

Sa mga panahong ito, magaling at mahusay ang kameraman. Sa pamamagitan ng pagpapalit-palit ng perspective sa pagitan ng dalawang manlalaro, at idagdag pa ang mga sinasabi ng mga commentators at ng bisita, nagiging malinaw sa lahat ang intensyon ng dalawang manlalaro.

Kontrolado ni Gao Jie si Stellar Sword at may balak na biglain si Dancing Rain.

Pero ang beteranong si Su Mucheng ay inaasahan ang kaniyang gagawin. Pagkatapos tingnan ang paligid, kinontrola niya si Dancing Rain para tumalon sa isang lugar kung saan matatanaw niya ang lahat. Ang spot na ito'y nasa mataas na bahagi ng siyudad. Kapag gustong lumapit ni Stellar Sword, mailalantad niya ang kaniyang sarili sa mabigat na atake ni Dancing Rain.

Kaagad na hinamak ng mga manonood sa Happy Internet Cafe si Gao Jie. Orihinal na pinlano niyang biglain si Dancing Rain, pero ngayon siya na ang mahuhulog sa patibong ni Dancing Rain.

Pero alam ni Ye Xiu na hindi ganoon ka simple ang lahat. Kapag nahulog nga si Gao Jie as patibong na ito, sinayang lang niya ang kaniyang home ground advantage.

Gaya ng inaasahan ni Ye Xiu. Pagkatapos nakalapit ang Stellar Sword ni Gao Jie, hindi siya nagpatuloy sa pagsugod. Sa halip, tumakbo siya sa isa pang ruta at inilabas ang kaniyang ulo para tingnan ang paligid.

"Napakawalang kwenta ng ginagawa nitong taong to. Bilisan mo nang mamatay." Naiinip na sinabi ni Chen Guo.

Napailing si Ye Xiu: "Ang kaniyang posisyon ay isang blind spot. Ang mga galaw ni Su Mucheng ay nasa loob ng kaniyang inaasahan."

"Ang kasalukuyang posisyon ni Gao Jie ay isang blindspot! Kahit na anong sniping spot pa ang kunin ni Su Mucheng, hindi niya makikita ang kaniyang kalaban. Malinaw na inaasahan ng kalaban ang mga galaw ni Su Mucheng!" Sa broadcast, tayming na sinabi ni Li Yibo ang mga katagang ito. Ito'y parehas sa sinabi ni Ye Xiu.

"Parang ang pagsasaliksik ng 301 sa mapang ito'y talagang maingat." Napatawa ang commentator.

"Syempre." Sagot ni Li Yibo.

"Papaanong nalalaman ni Gao Jie kung saang sniping spot nakatago si Su Mucheng?" Nagulat si Chen Guo nang itinanong niya ito dahil ito'y kahawig sa itinanong ng commentator kay Li Yibo.

"Mga bakas ng paa." Si Ye Xiu at Li Yibo ay sumagot. Magkaparehas ang kanilang sagot.