Natigilan si Cui Li sa pagsagot ni Chen Yehui. Sa isang saglit, hindi niya alam kung paano sumagot. Isang mala diyos na matagal na panahon nang tinitignan ang guild ay hindi pa nangyayari noon. Ngunit, gaano ba kalaki ang pagkakaiba na magagawa ng isang tao? Hindi makagawa ng kung anong suhestiyon si Cui Li. SA huli, maaari lang siyang umakto na para bang isa siyang lider. "Mas madami kang karanasan sa mga bagay bagay sa laro. Tiwala naman ako na magagawa mo ito ng maayos."
Gustong bumuga ng dugo ni Chen Yehui sa mukha ni Cui Li. Buti na lang nakikita rin niya an mukhang isinasantabi lang ni Cui Li ang mga bagay bagay. Hindi ibig sabihin na itatapon niya na lang ito sa isang tabi. Hindi lang siya makagawa ng magandang suhestiyon sa sandaling ito.