Matapos magtrabaho araw at gabi, ginawa nila ang lahat ng kailangang First Kill mula sa mga dungeon ng Heavenly Domain. Ang natira na lang ay ang mga dungeon sa pangmalakihang bilang katulad ng pang sikwenta o pang isang daang manlalaro. Wala ring eksaktong sagotkung makiClear ba ng grupo ng mga propesyonal na manlalaro ang mga dungeon na mas mataas ang level sa kanila dahil wala pang sumusubok nito noon. Hindi maaari para sa propesyonal na manlalaro na gumala gala ng buong araw sa laro.
Ito ay para langs a mga espesyal na okasyon kung saan may maikli silang pahinga sa season. Kaya hindi ito katulad ng tag araw as huling parte gn season. May mga laban rin na nagiintay sa kanila matapos ang dalawang lingo kaya hindi sila pwedeng gumala sa kung saan at magliwaliw sa panahon rin na ito.
Matapos makipagusap sa kaswal sa mga propesyonal na manlalaro sa group chat para sa mga ito, bumalik na si Ye Xiu sa laro.
"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ng lahat.