Kahit na kadalasang walang pakealam si Mo Fan, hindi niya lang pwedeng isantabi ang gma kritisismo na para sa kanya. Tumigil siya sa paglalaro at tumayo sa isang tabi na parang tanga si Deception. Kapag lumalaban siya, pinapalala lang niya ang gma bagay bagay. Mas madaling tanggapin ang hindi pakikipaglaban kumpara sa pakikipaglaban. Hindi naman tutol ang Team Tiny Herb. Agad na nagsimulang tumakbo ang team nila na perpektong muli.
Sa panig ng Happy, walang gumagawa ng gulo na MoFan kahit na hindi naensayo ng husto ang koordinasyon nil akum para sa Team Tiny Herb. Sa ilalim ng patuloy na paguutos ni Ye xiu, hindi na rin masama ang pagtutulungan nila. Nga naman, nakikipaglaban lang sila sa isang boss ng dungeon. Wala gaanong pagkakaiba sa labanan. Hindi naman talaga nagkukulang sa pangindibiduwal na skill ang team Happy. Dahil lang koordinasyon sa pagitan nila ang kailangan ng madami pang pageensayo.